Maskara
May maskara ang lahat ng tao
May bawat lihim na nakatago
Walang lakas ng loob na ibunyag ito
Pero hanggang kailan ka magtatago?Ako ay galing sa isang pamilya
Na masaya sa paningin ng iba
Ngunit kasalungat ang aking nakikita
May maskarang suot ang bawat isa“Sila ay isang perpektong pamilya”
Iyan ang lagi kong naririnig sa kanila
Madalas gusto ko na lang matawa
Dahil mali sila ng nakikita.Minsan hinihiling ko na sana parte kayo ng aming pamilya
Para makita niyo ang bawat maskara na suot nila.
Hindi kayo maniniwala sa inyong masasaksihan.
Marami kayong mga lihim na matatagpuan.Kung ako sa inyo maging masaya kayo
Kasama ang bawat pamilya niyo.
Huwag niyong hayaan na masira kayo
Dahil lang sa iba't ibang maskara na suot niyo.Huwag kayong tumulad sa aming pamilya
Na masaya sa paningin ng iba
Pero may mga lihim ang bawat isa
Na sanhi para magkasira ng aming pamilya.Ibang iba ang aming pamilya sa nakikita niyo.
Ang pamilya namin ay di na muling mabubuo.
Ang bawat lihim ay pilit na tinatago.
Pilit kinukubli sa bawat suot na maskara nito.