Chapter 2

104 7 0
                                    

I yawned dahil sa sobrang antok ko. Limang oras na 'kong nakatutok sa laptop. Simula 6 AM nag start ang klase namin. Online class ngayon at limited lang ang face to face dahil sa pandemya. Ngayong magtatanghali na, ginugutom at inaantok na ako.


Naka-open camera kaming lahat, so I still managed to look decent until I saw Yvonne doing the 'dalagang pilipina'. I burst into laughter. Then narealize ko, lahat na pala kami ay tumatawa.


Kinuha ko ang cellphone ko at saka vinivideohan ko si Yvonne through instagram. Para deretcho story agad. Gagi, nagising buong kaluluwa ko dahil sa katarantaduhan ni Yvonne.


"Why are you all laughing? Do you think my subject is a joke?" Nanahimik ang lahat. Pinigilan ko rin ang pagtawa. Lahat talaga mananahimik kapag si Ma'am Rodelas ang nagalit. Yes, siya nga. Siya yung muntik makahuli sa akin na late ako sa subject niya before.


I clicked the off camera button sa google meeting namin dahil hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko.


"Ms. Torres, kung hindi ka interesado sa subject ko, you can leave the meeting now. 'Wag kang mandadamay ng mga kaklase mo."


Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkamangha ko sa sunod na ginawa ni Yvonne. "Thank you, Ma'am!" She smiled widely at may pa-finger heart siya.


Yvonne Torres left the meeting.


"Oh my god, Yvonne!" Pagsigaw ko.


Hinayaan ko na lang manermon si Ma'am Rodelas habang naka-off camera ako. Hindi niya naman pinansin kaya hinayaan ko na.


Kinuha ko ulit ang cellphone ko nang mapansing kanina pa 'yon tunog ng tunog. It's a notification from messenger. Hula kong group chat namin 'yon sa section. Napataas kilay ko dahil mali ang hula ko, but I laughed nang group chat namin nila Yvonne pala ang nag iingay.


MGA VIP SA BAR NI WAYNE


Amanda David: Hoy, gago @Yvonne Torres wag ka na magtaka kung bagsak ka sa subject niya HAHAHAHAHA


Raven Navarro: HAHAHAHAHAHAHA


Amanda David sent a photo.


'Di na naman ako tumigil sa pagtawa nang sinend ni Amanda yung mukha ni Yvonne sa ig story ko.


Wayne David: Hindi kita kaibigan, Yvonne.


Xavienna Collins: Hindi kita kaibigan, Yvonne. (2)


Raven Navarro: Hindi kita kaibigan, Yvonne. (3)


Amanda David: Hindi kita kaibigan, Yvonne. (4)


Amanda David: Cersuary Castro is typing


Raven Navarro: Hoy tarantado HAHAHAHA

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon