"So, are we done?" Napalingon ako kay Calix nang marinig kong tapos na ang discussion nila tungkol sa business nila.
Kausap niya si Alfred through video call. Dalawang oras na silang magkausap. Ang balak lang sana ni Calix ay mag stay rito sa bahay namin kaso tinawagan siya ni Alfred about business matters. Hanggang sa nagtuloy tuloy at nagtagal pa silang mag usap.
"Yes." Sagot ni Alfred kay Calix.
"Alfred? Did you see my hermes bag?" May boses babaeng nagsalita sa kabilang linya. Tinignan ko si Calix pero mukhang busy sa paglilipat ng pahina sa papel na hawak niya.
"Na sa van pa, madam!" Sagot ni Alfred.
"Alright! Sorry, i forgot. Kunin ko lang."
"Wait wait! Ipakilala ko lang sayo si Calix." Napa-angat naman ng ulo si Calix nang marinig niya ang pangalan niya. Teka, bakit ipapakilala?
"What is it?" Nagtatakang tanong ni Calix.
Hindi na ako naka-focus sa pinapanood ko dahil hindi ko maiwasang hindi makinig sa usapan nila. Inayos ko ang upo ko at lumapit ng kaunti kay Calix.
"Calix, this is Hecate. Alaga ko sa modelling. Hindi ko siya napakilala sa'yo no'ng andito ka. You're both busy kasi." Nakangiting sabi ni Alfred.
Pasimple akong sumilip sa screen ni Calix. Tinitignan ko kung ano ang itsura ng Hecate na 'yan. Sino ba yan? Connected ba yan sa business nila Calix?
Agad ko naman nakita ang pagsulpot nung Hecate sa screen ni Calix. Bigla akong napalingon sa salamin na katapat ko rito sa loob ng kwarto ko. Maganda ako, pero.. hindi ko maipagkakaila na maganda din siya. Maputi ang balat, mas payat kaysa sa akin saka medyo kulot at mahaba ang buhok.
"Oh, hello." Naka cross arms si Calix habang nakasandal saka siya kumaway.
"Who's that? Calix?" Tanong ni Hecate.
"Yeah, Calix Evans." Simpleng sagot ni Calix.
"Oh my gosh, I know you!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hecate. Napatakip pa siya ng bibig dahil sa gulat. Kilala niya si Calix? Paano?
"Really?" Tanong ni Calix.
"Yes! We were childhood friends!" Childhood friends? Wala naman nakwento sa akin na gano'n si Calix, ha?
"Omg, magkakilala kayo? Wow, small world!" Gulat na sabi din ni Alfred.
"What? Wait, I can't remember you, sorry. You are Hecate?" Kumunot ang noo ni Calix saka siya umayos ng upo. Aba, 'tong Calix na 'to. Wag mong sabihin na nagiging interesado ka?
"Yes! I am Hecate Peñaranda!" Tinuro ni Hecate ang sarili niya at pilit na pinapaalala kay Calix ang sarili. Girl, kinalimutan ka na nga, pinipilit mo pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/227429207-288-k205886.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
RomanceBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...