Chapter 20

55 2 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko, dumeretso agad ako sa kwarto ni Kuya at kumatok ako nang tatlong beses. "Kuya? Andiyan ka?" Walang sumagot pero alam kong andito siya dahil naka-locked ang pinto niya. Kaya naman kumatok ulit ako.


Halos mapatalon ako sa gulat nang buksan niya agad 'yon. Kumunot ang noo niya nang makita niya ako. "Napano 'yang nasa pisngi mo?" Nag-aalalang tanong ni Kuya. Ang akala ko talaga ay sisigawan niya ako dahil galit siya sa akin.


Napanguso ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko namang magsabi ng totoo pero tinatamad ako para magkwento ng buong pangyayari.


"Nahulog ako sa hagdan kanina kaya nagkasugat." Sagot ko. Pero mukhang hindi convinced si Kuya sa sagot ko.


"Nahulog pero hiwa?" Hindi ko siya sinagot sa tanong niya. "Halika nga dito." Utos niya saka siya tuluyang pumasok sa kwarto niya.


Kinuha niya ang first aid kit niya saka 'yon nilapag sa gilid ng kama niya niya. "Bati mo na 'ko, Kuya?" Nagpacute kong sabi sa kaniya habang nag be-beautiful eyes pa. Mukha akong bata na nakikipagbati sa kaniya ngayon. Hindi ko kasi kaya na pati kami ni Kuya ay magkaaway. Bawas sa bigat ng loob ba.


Nahuli ko si Kuya na nagpipigil ng tawa pero agad niya akong inilingan na kunware'y hindi pa ako pinapatawad. Konting push pa, Xav! Lumapit ako sa kaniya saka ko hinawakan ang braso niya at inalog 'yon. "Ih, kuya! Sorry na, wag ka na magalit. Uwu!" Ginaya ko pa yung nagtrending na bata ngayon sa social media para lang kay Kuya!


Maya't maya ay humagalpak siya sa tawa. Bumalik ako sa pagkaseryoso dahil narealize ko bakit ko ba ginawa ang bagay na 'yon. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa kaya hinayaan ko lang siya hanggang sa mawalan siya ng hininga.


"Hindi ka pa ba tapos diyan?" Seryosong tanong ko habang naka-cross arms.


"Hindi mo bagay, Xav." Tumigil siyang tumawa saka siya nagseryoso.


"Hindi bale na, basta't bati na tayo." Tinaasan ko pa siya ng kilay.


"Sinong nagsabi sayo?" Tinignan niya ako pataas at pababa.


"Kuya!" Sigaw ko dahil sa inis. Ginagamit niya lang ang pagkatampo niya sa akin para asarin ako eh! Buti nga nagsosorry pa ako, loko lokong 'to talaga!


"Maupo ka rito at gagamutin ko 'yang nasa pisngi mo. Kung ano ano na naman kasi 'yang ginagawa mo." Pagalit na utos niya sa akin. Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kaniya.


Nakatitig lang lang ako sa sahig at hinayaan si Kuya na linisin at gamutin ang sugat ko sa pisngi. Ramdam ko pa ang hininga ni Kuya habang ginagamot ang pisngi ko. Nakita ko sa peripheral view ko na tumitingin si Kuya sa mga mata ko. Mukhang nabobother siya sa pagkamugto ng mga mata ko.


"Kagigising mo lang ba?" Pagbabasag ko sa katahimikan.


"Oo, kararating ko lang kanina galing work. Pagka-uwi ko ay natulog agad ako." Sagot niya. "Ikaw, pumasok ka ba?" Mukhang normal na kami mag usap ni Kuya kaya sa tingin ko ay okay na kami?

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon