"What happened, Xav?!" Nag aalalang tanong sa akin ni Amanda. Si Wayne ay patingin tingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
"Si Calix.." Halos hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng mga luha ko.
"Bakit si Calix? Nakidnap rin ba siya?" Tanong ni Wayne.
"No. Pauwi na siya sa Canada." Halos namanhid ang buong katawan ko nang banggitin ko ang mga salitang 'yon.
"Pauwi lang pala ng Canada, akala ko kung —" Hindi natapos ni Wayne ang sinasabi niya nang sigawan siya ni Amanda.
"Wayne!"
Bumaling ang tingin ko kay Wayne saka ko siya sinamaan ng tingin. "Joki joki lang, Xav!" Sabi ni Wayne habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa daan habang nagmamaneho.
"Pahatid ako kila Tito Gino, huwag sa bahay namin." Utos ko kay Wayne saka ko pinunasan ang mga luha ko.
"It's already late, Xav. You need to rest na." Sambit ni Amanda sa akin pero hindi niya napabago ang isip ko.
"Kakausapin ko lang si Tito Gino at uuwi na rin ako agad." Hindi na umangal pa si Wayne at Amanda sa desisyon ko kaya tulad ng inutos ko ay sinunod din agad ni Wayne 'yon.
"Ingat ka, ha Xav. Tawag ka kapag naka-uwi ka na." Sabi ni Wayne.
"Ingat din kayo." Walang ganang sambit ko sa kanila saka ko sila nginitian.
Umalis na ang kotse nila Wayne saka ako nag door bell sa mansyon nila Tito. Agad naman akong sinalubong ng guard nila. "Ma'am Xav, gabi na po. Ano po ang kailangan niyo? Pumasok na po muna kayo."
"Sige po, andiyan po ba si Tito Gino?" Deretsang tanong ko.
"Opo, nanonood po siya ng drama. Halika po, pasok na po kayo." Nginitian ko ang guard saka nga ako pumasok.
"Tito Gino." Tawag ko kay Tito kaya naman natigil ang panonood niya at napalingon sa akin.
"Oh, hija! Gabing gabi na, what brings you here?" Gulat na gulat na sabi ni Tito nang harapin niya ako. "Maupo ka muna, anong gusto mong kainin?"
Umiling ako. "Hindi na po, okay lang po. Itatanong ko lang sana kung alam niyo po bang pabalik na si Calix ngayon sa Canada?" Paiyak muli ako nang mabanggit ko ang mga salitang 'yon pero pinigilan ko dahil si Tito Gino ang kaharap ko. Nakakahiya.
"What?! Pabalik si Calix sa Canada?! Paano mo nalaman? I don't have any idea na babalik siya ro'n." Halata kay Tito Gino ang gulat nang mabalita ko sa kaniya 'yon. Lumingon ako saglit sa gilid ko para maka-iwas ng tingin kay Tito dahil hindi ko na alam ang susunod na sasabihin ko.
"Sige po tito, andito lang po ako para itanong 'yon sa inyo." Ngumiti ako ng pilit saka ako nagpaalam na umalis.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
Roman d'amourBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...