PROLOGUE

116 2 2
                                    

"Ano na naman, ba't binabanggit mo na naman ang taong yan?!" Inis na sabi ko.


"Affected." Natatawang sabi ni Marian.


"Hindi ako affected, saka ano ba'ng paki-alam ko sa lalaking 'yon?" Inirapan ko sila.


Hindi na 'ko naghintay ng ibibigay ni Claire dahil napikon lang ako nang matopic nila si Calix. Umalis na agad ako saka ko inabonohan ang dapat na bayad ni Claire. Hayaan na nga, baka naghihirap yung tao. Pag lang e'tong si Claire talaga hindi umambag sa case presentation namin, triple ang isisingil ko plus babatukan ko pa. Nakakainis! Talagang sinusubukan nila ang pasensya ko ngayong araw, ha.


Matapos kong magpaprint, napagdesisyonan kong umuwi na rin dahil anong oras na. Mag si-6 PM na at madilim na rin sa labas. Baka kung ano na naman ang mangyari sa akin. Umay na umay na ako.


Habang naglalakad ako sa hallway, parang biglang namanhid ang mga paa ko nang biglang bumungad si Calix. Napatigil ako sa paglalakad habang hawak-hawak ko ang mga papel na pinaprint ko. Hindi niya agad ako nakita dahil deretso lang ang tingin niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya.


"What happened to your face, Mr. Evans?" Lumuwag ang paghinga ko nang kausapin siya ng isa sa mga terror professors dito. Dahil doon, naging maliit ang chance para mapansin niya ako.


Dahil sa narinig ko, agad ko rin namang pinansin ang mukha ni Calix. Ano namang mayroon?


"Nothing, sir." Magalang na sagot nito at mukhang unbothered pa sa nangyari.


Pinaningkitan ko ang mga mata ko para makita nang malinaw ang mukha ni Calix. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang buong mukha niya. Base sa pagkakaalala ko, daplis lang ang inabot ni Calix dahil kay Kuya kahapon. Pero ngayon.. bakit may black eye na siya?! Basag din ang labi niya at may mga ibang gasgas pa sa parte ng mukha niya!


"You are starting to make trouble again, Mr. Evans. Kararating mo lang dito, bulakbol agad ang inaatupag mo." Dinig kong sabi ng professor.


Napatingin lang sa sahig si Calix at hindi umimik. Hindi na rin nagsalita pa ang professor saka niya nilagpasan si Calix.


Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang biglang mapatingin sa akin si Calix. Kinalma ko ang sarili ko saka ako tumingin pabaliksa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at parang dumikit nang todo ang mga tinginan namin at tila ang hirap tanggalin.


Hindi ko pinahalata ang pag-aalala ko sa kaniya kaya naman hindi ako nagpatalo. Napahigpit ako nang kapit sa mga hawak ko na papel na para bang malulukot na ang mga 'to. Lalo ko lang siyang tinitigan hanggang siya ang sumuko.


Parang bigla akong nagkaroon ng hangin sa katawan nang nag umpisa na siyang maglakad at lagpasan ako.


Napano na naman kaya si Calix? Naalala ko ang sinasabi ni Janice kanina at nung isang lalaki. Hindi kaya dahil sa akin ay ganito ang ginawa kay Calix?


Lumingon ako sa pinanggalingan ni Calix saka ako nag umpisang maglakad para puntahan siya. Bigla rin naman agad napako ang mga paa ko sa sahig nang magbago ang isip ko.


Hindi dapat ako mag-alala kay Calix. Wala na dapat akong paki-alam sa kaniya tulad niya. Wala na kami.. at wala na akong rason para magkaroon pa ng kahit anong interactions pa sa kaniya.


As I said before, that night was the last time I would cry for him. I really need to accept everything this time. Para mapanindigan ko ang sarili ko, wala na dapat kaming maging koneksyon ni Calix kahit na katiting at kahit na pag-aalala. Just like when we first met..

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon