"Oh my god, nerd guy!" Sigaw ko kay nerd guy nang makita ko siyang binubugbog at sinisipa ng ibang estudyante sa gilid. "Sorry, uhm hey!" Bawi ko sa sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadyang tawagin siyang nerd guy. I just called him nerd guy kasi ayon ang tawag ko sa kaniya since i don't know his name.
Napatingin sa akin si nerd guy at hawak hawak ang tiyan dahil sa pagkakasipa nila dito. Limang mga binatilyo ang pinagkaka-isahan si nerd guy kaya agad akong lumapit sa kanila. "Hoy mga inutil, tropa ni Calix Evans 'tong binubugbog niyo." Pananakot ko sa kanila. Binanggit ko na lang ang pangalan ni Calix baka sakaling matakot sila. Mukha lang naman silang mga baguhan sa pangbubully dito sa Winsbierge.
"Calix Evans, tol." Bulong ng isang kasama nila. Akala naman nila'y hindi ko siya maririnig.
"Ayaw niyo siyang tigilan, ha? Teka tatawagin ko si Calix." Umarte akong kukunin ko ang cellphone ko sa bag ko. Pero bago ko pa makuha ang cellphone ko ay tumakbo na agad sila. Oh 'di ba, mga bugok na baguhan lang.
Agad akong lumingon kay nerd guy. "Hey, are you okay?" Tanong ko sa kaniya habang siya ay namimilipit pa rin sa sakit.
"Okay lang ako, ate." Dahan dahang tumayo si nerd guy kaya naman tinulungan ko siya sa pagtayo niya. May mga galos pa siya sa mukha. Hindi ko alam kung aalukan ko siyang samahan siya sa clinic.
"Gusto mo bang —" Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko si Calix na lumabas sa kotse niya at bagong dating lang sa Winsbierge. Parang konting sulyap niya lang dito ay makikilala niya agad ako. Wala naman akong tinatago kay Calix at lalong hindi ako nag che-cheat sa kaniya! Pero kung iisipin niyo, napaka-short tempered ni Calix. Baka akalain niyang nilalandi ako nitong nerd guy na 'to at sugurin niya bigla. Hindi naman niya iisiping niloloko ko siya dahil may tiwala siya sa akin. "Pumunta na lang mag isa sa clinic?" Pagtutuloy ko sa sinabi ko kay nerd guy kanina. I also exaggerated my laugh.
Nakita ko ang kaunting pagkadisappoint ni nerd guy sa sinabi ko pero hinayaan ko na lang 'yon. Mas importante sa akin ang iisipin ni Calix, 'no! "May classes pa ako, eh. Bye!" Agad na sabi ko saka ako kumaway at mabilis na tumakbo.
Tumakbo ako papalapit sa direksyon ni Calix at agad din naman niya akong nakita. "Love! Hi." Bungad niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Let's have lunch later. I'll buy your favorite palabok." Aniya.
Lalo naman akong sumigla dahil sa sinabi niya. Ang tagal ko na ring hindi nakakatikim ng palabok!
"Omg, yes please!" Nag puppy eyes ako kay Calix na ikinatawa naman niya. Sabay kaming pumasok ni Calix sa campus saka kami naghiwalay ng daan papunta sa kaniya kanya naming building.
ೃ⁀➷
"Hoy!" Agad naman kaming napatingin ni Calix sa sumigaw. Akala ko kung sino na, si Yvonne lang pala!
Mabilis na naglakad si Yvonne papunta sa amin. Mukha pa siyang rumarampa. "Why you're here? Date namin 'to." Inis na sambit ni Calix kay Yvo.
"Tumigil ka riyan. Date kayo nang date ni Xav. Magchichikahan muna kami." Walang paki-alam na sabi ni Yvo kay Calix saka siya tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
RomanceBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...