Chapter 8

54 3 0
                                    

"Hay nako, Xav. Mag review ka na." Nag-aalalang sambit ni Yvo sa akin. Hawak hawak niya ang reviewers niya saka idinabog 'yon sa lamesa. "Tamo, ni hindi ka na kumain." Dinuro niya ako gamit ang mga papel na hawak niya. "Ano'ng gusto mo? Orderan na kita?" Nang hindi ako sumagot, tumayo na siya saka niya kinakapa ang wallet niya.


"Hindi na, hindi na." Hinila ko ang kamay niya para maka-upo ulit siya.


Napabuntong hininga siya. "Hindi ka pa ba kinakausap ni Calix?" Agad na tanong niya at umiling lang ako. "Ano ba talagang nangyari kanina noong umalis ka sa bahay niyo? Iniwan mo pa ako." Nilapag niya ang wallet niya sa lamesa.


"Nakapambahay akong pumasok kanina at hinanap ko si Calix. Pero wala akong Calix na nakita." Malungkot na sabi ko. "Wala akong napala, narinig ko lang ang mga chismis sa kanila. Isa pa, pinag uusapan ako kung bakit nakapambahay ako." Natawa ako nang bahagya.


Andito kami ni Yvonne sa school canteen. Break time namin at dito lang kami kumain. Hindi na kami lumayo dahil may quiz pa kami pagkatapos nito. Wala rin namang Calix na mag aaya sa akin ngayon. Saka, wala ako sa mood dahil sa mga kumakalat na issue sa akin ngayon. Sino naman kayang loser ang nagpakalat 'non? Napakawalang utak.


"Andito pala si Xav. Dapat riyan hindi na pumapasok rito."


"Pagkatapos niya makipaglampungan sa bar, ang kapal pa ng mukha niyang pumasok dito sa Winsbierge."


"Panigurado, grabe ang disappointment ni Calix sa kaniya."


"Sigurado may namamagitan na sa kanila ni Eero kahit noong nasa Canada pa si Calix."


Lahat ng tao napatingin sa amin dahil sa biglaang pagdabog ni Yvonne. Kahit ako nagulat 'don! Tumayo si Yvonne at unti unting hinarap ang mga babaeng nagbubulungan. Sa inaasta ni Yvonne ngayon, hindi ko na siya makilala. Hindi ko na ulit nakita si Yvonne na ganito magalit.


Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari kaya hinawakan ko ang kamay ni Yvonne para kumalma siya pero agad niya ring tinanggal 'yon. "Yvonne." Pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon.


"I got this, Xav. Hindi ako mananakit, pero malapit na." Sabi niya nang hindi ako nililingon. Umiling na lang ako at hinayaan siya. Kaya niya na 'yan. Bestfriend ko 'yan, eh.


Naglakad nang paunti unti papalapit si Yvo sa mga grupo ng mga babae. Pinarolyo ni Yvo ang hawak niyang reviewers para magmukhang parang tubo 'yon saka niya tinuro 'yon sa mukha ng mga babae.


"Hindi niyo ba alam? Nursing student kami?" Panimula ni Yvonne.


"Eh, ano naman? May pakialam ba kami?" Matapang na sambit ng isang babae.


Tumawa si Yvo nang sarkastiko bago ulit siya sumagot dito. "Ako rin, wala akong pakialam kung nursing student kami. Kasi kahit nursing student ako kayang kaya kong baliin sa pirapiraso yang mga mga buto niyo. Saan niyo ba gustong umipisahan ko? Sa bandang mandibular bone o sa maxilla bone? O baka naman gusto mo buong bungo mo ang basagin ko?" Hinawakan ni Yvonne ang babaeng sumagot sa kaniya sa bandang pisngi gamit ang isang kamay niya.

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon