Chapter 11

52 3 0
                                    

Yvonne Torres: Hoy, babae. Bored ka ba ulit?


Tinignan ko agad ang chat ni Yvonne sa messenger habang nagtitimpla ng kape. Ano na naman kaya ang plano nitong babaeng 'to? Panigurado mag aaya 'yan. Kung hindi inom, mag aaya ng gala.


Xavienna Collins: Medyo, bakit?


Yvonne Torres: Moni!


Xavienna Collins: Anong moni?


Yvonne Torres: Inom, bobo.


Napa-irap ako sa chat ni Yvonne. Ang dami niya kasing arte sa pagty-type! Hindi ko alam kung uso ba yang mga ganiyang salita o gawa-gawa niya lang. Isa pa, umagang umaga nag aaya siya uminom. Ibang klase talaga 'to!


Xavienna Collins: May problema ka ba at umagang umaga nag aaya kang uminom?


Baka kasi may problema siya, konsensya ko pa kung hindi ko sinamahan. Sa tuwing may problema ako, si Yvonne ang palaging nakakasama ko.


Yvonne Torres: Wala, baliw. Chill and drink lang. Ayaw ko sa bar ni Wayne, ha! Gusto ko sa tahimik.


Xavienna Collins: Lowkey inaaya mo ba ako ng date, Yvonne Torres?


Yvonne Torres: Oo, mag de-date tayo! Pero hindi ngayong umaga ha, jusko sunog atay mo talaga.


Xavienna Collins: Sino ba kasing nagsabing ngayong umaga? Mamayang gabi na lang.


Yvonne Torres: Talaga! Sige bye na mwa!


Inubos ko na agad ang kape ko saka ko tinulungan si Kuya sa mga orders. Itong business lang namin ang inasikaso ko. Saktong sakto, hindi ako gaanong busy ngayon sa school. Pagkatapos, binigyan ko lang ang sarili ko ng oras. Me time kumbaga. Na sa bahay lang akong nanood ng movies at saka nagbasa basa ng libro. Hinayaan muna ako ni Calix dahil sa pagkakaalam ko, may inaasikaso lang ulit siya. Hindi bale, bukas makikita ko na naman ulit si Calix kaya sarili ko muna ngayon.


Nag madidilim na, nagbihis lang ako ng simple saka ko na mineet si Yvonne. "So ano ang ginawa mo kanina?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.


"Wala naman, natulog. Bakit?" Maikling sabi 'ko. Wala namang special kanina sa ginawa ko kaya hindi na kailangang ikwento ko 'yon kay Yvonne nang buo.


"Wala lang. Anyways, inaaya ko si Amanda kanina, hindi na raw sasama. Busy siya." Pag-iiba niya ng topic.


"Ang dami nilang busy, 'no? Pati si Calix busy din eh." Dagdag ko pa.


Dinala ako ni Yvonne sa restobar. Kaunti lang ang tao at hindi gaanong maingay. Tamang tama ito para makapagchill kami ni Yvonne nang kaming dalawa lang.


"Kamusta pala si Eero? Nakaka-usap mo pa ba 'yon." Tanong ni Yvonne kasabay ng pag-upo niya.

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon