Chapter 9

59 3 0
                                    

"Uy, ano ba yang ginagawa mo!" Inis na sigaw sa akin ni Kuya saka ko siya kinunotan ng noo.


"Oh, bakit? Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya dahil wala akong ideya kung bakit niya ako sinigawan.


"Bakit ka nakahiga? Nakataas pa 'yang paa mo." Sambit niya habang nakatingin siya sa kisame. Tinignan ko ang kisame na tinitignan niya pero wala akong nakitang kakaiba 'ron.


Tinignan ko ang sarili ko. Tinutukoy ba ni Kuya 'tong posisyon ko rito sa sofa? "Nanonood ako ng movie, Kuya malamang." Sagot ko sa tanong niya. "Hoy, paabot nga ako ng isang kettle korn pa riyan." Turo ko sa taas ng refrigerator.


"Ayo'ko nga! Inubos mo na yung kettle korn ko!" Pagalit na sabi niya sa akin at hindi pa rin ako tinitignan.


"Aba, papalitan ko rin!" Inis na sagot ko sa kaniya. Bumangon ako para maayos ko siyang tignan, dahil nakabaliktad ang tingin ko sa kaniya kapag nakahiga ako, eh. "Teka, bakit iniiwasan mo ako ng tingin, Kuya? May ginawa kang kasalanan sa akin, 'no?" Turo ko sa kaniya na parang nahuli ko siya sa ginagawa niya.


"O-oo." Nauutal na sagot niya.


Tumayo ako at lumapit kay Kuya. Hinawakan ko pa ang magkabilang braso niya para humarap sa akin pero ayaw niya talagang tumingin sa mga mata ko. "Sabi na eh, ano 'yon?!"


"N-nakita — aish!" Ginulo ni Kuya ang buhok niya nang hindi niya masabi ang sinasabi niyang kasalanan niya.


"Ano nga?!" Sigaw ko sa kaniya.


"Promise, hindi ka magagalit?" Tanong niya habang sinisilip niya ako habang nakalingon pa rin sa ibang direksyon ang ulo niya para iwasan ako.


"Hindi nga!" Papadyak na sambit ko sa kaniya.


"Ayaw ko, mag promise ka muna." Parang bata na sabi niya kaya napabuntong hininga ako bago sumagot kay Kuya.


"Promise."


"Sige." Ngumiti siya ng pilit sa akin.


Dalawang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsasalita si Kuya. Kung saan saang paligid na siya tumingin maliban lang sa akin.


"Ano ba, Kuya Tyler Collins! Hindi ka ba sasagot?!" Biglang sigaw ko sa kaniya at kasabay ng pag-alog ko sa balikat niya.


Napatalon siya sa gulat saka sumigaw din sa akin. "Nakita ko yung panty mo na may print na minions! May pink na ribbon pang nakalitaw sa bandang puwetan, b-bakit may ribbon ba ang minions?!"


Namilog pareho ang mga mata at labi namin ni Kuya dahil sa gulat. Sabay din kaming napatakip sa bibig dahil sa sinabi niya. "P-paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.


"Hindi kita sinilipan, 'no! Mali 'yang iniisip mo hoy! Kasalanan mo talaga eh! Kaya nga kita tinanong bakit nakataas pa 'yang paa mo kanina kasi naka-skirt ka! Lumitaw pa 'yung ribbon sa likod mo!" Sunod sunod na sigaw sa akin ni Kuya. Halos mamula mula ang mukha niya at halos lumitaw ang mga ugat niya sa leeg dahil sa kakasigaw sa akin.

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon