Chapter 1

226 4 0
                                    

Xavienna's POV

"Hoy Xavy! Tara bar na! Maiiwan ka ba diyan?" Sinamaan ko ng tingin si Yvo habang nanatili akong naka-upo sa armchair dito sa classroom. "Hay nako, pinaalam na kita kay Calix. Halika na!" Bigla niya akong hinila kaya hindi na ako nakapalag at napabuga ako ng hininga.


Nakasimangot lang ako habang nagpapahila kay Yvo. Kung pwede lang ihiga ko na lang at siya na ang magbuhat sa akin. Halos kaladkarin niya ako, eh sa ayaw ng katawan kong maglakad!


"Gusto ko na lang maka-vc si Calix kaya gusto ko na umuwi!" Paiyak kong sabi at saka nag-pout.


"One week pa lang wala si Calix dito, umiiyak ka na diyan kasi miss mo siya? Ay tanggal angas natin diyan, beh. Wag tayong papayag, beh." Kala mo makikirambol si Yvonne dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ko alam kung hinihingal siya kakahila sa akin o sa inis niya sa akin. Pero i think, pareho.


Calix is calling..


Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Yvo sa kamay ko at agad kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa ko dahil alam kong si Calix 'yon. Parang nabuhayan ang buong katawan ko nang nakita kong tumatawag si Calix.


"Calix baby! I miss you so much!" Palambing kong sabi saka hindi natanggal sa mukha ko ang pagpopout. Hindi bale, si Yvonne lang naman ang kasama ko.


Tumingin ako kay Yvo at nakita ko ang reaksyon niyang diring-diri saka niya ako inirapan at umiling. Inirapan ko din siya. Mainis na siya sa akin hangga't gusto niya. Palibhasa wala siyang jowa.


"I miss you too, love. Mag babar kayo now? Where's Yvo, are you with her?" Ngumiti agad ako nang marinig ko ang malalim na boses niya. Kinikilig pa rin ako kahit isang taon na kaming naglolokohan.


Charot. Pwera usog.


"Yes. Makulit si Yvo. Love, dapat hindi mo ko pinapakaibigan sa mga bad influence tulad ni Yvonne, eh." Tinaasan ko ng kilay si Yvo at saka niya ako hinampas sa braso.


"Ang kapal ng pagmumukha mo, Xavienna! Hoy Calix, alam mo ba si Xav ang nag aaya before exams 'non. Umayaw ako, sabi ko after exams na lang, kaya heto after exams pinaalam ko siya sayo." Pagsusumbong niya kay Calix.


Kinurot ko si Yvo sa kili-kili niya at nilayo ang cellphone sa kaniya. "Manahimik ka diyan." Pagalit kong bulong sa kaniya.


Nang makuha ko ang cellphone narinig kong tumatawa lang si Calix. "Oh tignan mo Calix? Ako pa ang nagpapaalam kaysa sa jowa mong lasinggera."


"Shhh!" Todo tago ko ang cellphone ko para hindi marinig ni Calix si Yvo. Pinanlakihan ko na ng mata si Yvo.


"Ako naman kasi talaga ang magpapaalam, nangunguna ka lang kasi excited ka." Iniwan ko si Yvo at inunahan siya maglakad.


"I'm studying right now with my friends too, love. Update me always, ha?"


Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon