Chapter 4

80 5 0
                                    

"Ayaw mong maging pasyente ko? O pupuruhan kita sa ulo." Pananakot ko sa kaklase kong si Bryan. Kinwelyohan ko siya at halata naman sa kaniyang mukha ang takot.


"Tangina mo, Xavienna." Humagalpak sa tawa si Yvonne habang nag cecellphone sa tabi ko. "Kukuha ka na nga lang ng pasyente mo, manggagago ka pa."


First year college nursing student kami ni Yvonne. Simula noong maging magkaibigan kami, hindi na kami napaghiwalay. Engineering nga dapat ang kukunin niya kaso ayaw niya daw mahiwalay sa akin kaya nursing na rin ang kinuha niya. Ewan ko ba, napakadali sa kaniya pumili ng course basta basta. Nawa'y kayanin niya rito.


"O-oo, magiging pasyente mo na ako." Bigla akong natawa dahil sa sagot sa akin ni Bryan. Tinanggal ko ang pagkakakwelyo ko sa kaniya.


"'To naman, biro lang." Saka ko siya nginitian. Nakita ko naman sa kanyang itsura ang pagkarelief.


Kaklase na namin dati si Bryan noong senior high school kaya kilala na namin ang isa't isa. Hindi nga lang kami close noon, pati naman ngayon. Basta ang alam ko, kilala niya ako at natuklasan niya ang bardagulan moments with Calix sa Winsbierge noon. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit natakot siya sa akin kanina. Baka inawardan ng perfect attendance yan, aba!


"Akala ko naman pupuruhan mo na talaga ako kapag hindi ako pumayag." Nginitian niya ako.


Tinapik ko siya sa braso. "Oo naman, buti naman pumayag ka." Tumawa kami pareho. "De, biro lang. Auscultation lang naman kasi, hindi ka pa pumayag. Buti sana kung turukan, dun na talaga kita tatakutin. Sapilitan ba."


"Tantanan mo 'ko Ate Xav, hindi ako magpapakita sayo kapag gano'n na ang retdem natin." Natatawang sabi ni Bryan.


"Wag ka nang tatanggi kay Xav, baka gusto mong lumipad pauwi si Calix dito at siya ang pupuro sayo." Pananakot pa ni Yvonne.


"Ate Xav!" Nagkukunwareng iyak na pumapadyak padyak pa si Bryan at mukhang nagsusumbong sa akin.


"Wag kang maniwala diyan, tanga yan." Tinuro ko si Yvonne na ikinatayo naman agad niya at mukhang hahabulin pa ako.


Thirty minutes na ang nakalipas sa pagpapractice ko para sa return demo namin at unti unti ko namang nagagawa ito nang tama. Tumabi na naman si Yvonne sa akin para istorbohin ako.


"Hindi pa ba tayo uuwi, Xav? Mukhang hindi naman na tayo imemeet ni Ma'am Chloe." Ang instructor namin sa health assessment. "Ang dami na rin nagsi-uwian na mga kaklase natin." Dagdag pa niya.


Ilang segundo bago ko sinagot si Yvonne. "Teka tapusin ko lang 'to." Sabi ko habang tinutuloy ko ang pagpapractice.


"Sa bahay ka na magstay mamaya para mag ayos ha? Sabay na tayo umuwi." Tumango lang ako sa kaniya at tumayo siya para mag ayos ng gamit niya saka siya tumabi sa akin para hintayin ako.


Ngayon ang birthday party ni Amanda at Wayne. Night party ang magaganap kaya naman may oras kami ni Yvonne mag ayos after classes namin.

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon