Chapter 26

36 2 0
                                    

"Xav." Tawag sa akin ni Kuya habang bagot akong nanonood ng TV dito sa sala. Nakataas ang dalawang mga paa ko sa mesa saka nakasandal at parang kaunti na lang ay makakatulog na ako sa sobrang bagot.


"Ano?" Walang ganang sagot ko kay Kuya.


"Magbihis ka." Utos niya. Tumingin ako sa sarili ko. Ano ba'ng problema ni Kuya sa suot ko? Since na sa bahay lang naman ako, natural na pambahay ang suot ko ngayon, 'di ba?


"Presko ako sa ganito." Inirapan ko siya. Sando at shorts lang ang suot ko.


"Aalis tayo." Napatingin naman sako sa sinabi ni Kuya. Aalis? Saan naman kami pupunta ngayon? May shoot ba? Sa pagkakaalam ko ay walang naka-schedule na shooting namin ngayon for our clothing business, ah?


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pa para makasigurado.


"Somewhere? Far from reality?" Natatawang sambit ni Kuya dahil sa pag-eenglish niya. Pati ako ay natawa sa pagiging korni niya. "Magbihis ka na, huwag ka nang tumatawa-tawa riyan bago pa mag bago ang isip ko." Inirapan niya rin nang marealize niyang nakakahiya siya sa pagjojoke niya.


"Sa'n mo naman ako dadalhin, Kuya?!" Tumayo agad ako saka ko pinatay ang TV. Patalon-talon pa ako habang naglalakad. Mukha namang nabuhayan ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Kuya.


Ang tagal na rin no'ng last time kaming nagbonding. Matapos ang lahat ng nangyari, matagal-tagal na rin pala'ng hindi ko naenjoy ang mga bagay-bagay. Mapait akong napangiti nang maalala ko ang lahat. Agad naman akong umiling para hindi mabago nito ang mood ko.


"Somewhere far from reality nga." Pag-uulit ni Kuya sa sagot niya sa akin kanina. Mukhang hindi niya nagets ang tinatanong ko.


"Saan nga yan?!" Iritang tanong ko. "Paano ako makakapag-prepare kung hindi ko alam kung saan yan? Beach? Bundok? Ibang bansa?"


"Saan mo ba gusto? Your choice." Saka na pumasok si Kuya sa kwarto niya para makapag-prepare.


Napa-palakpak naman ako nang bigyan ako ni Kuya ng freedom of choice. Hmm, sa'n ko nga ba gusto?


"What if mag beach resort kami?" Bulong ko sa sarili ko. "Tama!" Saka agad ako kumilos para makapag prepare.


Nagdala lang ako ng mga beach essentials ko at mga ilang damit pang outfits. Pati na rin ang mga pangtulog. Prinepare ko na rin ang mga pang skin care at body care ko. Siyempre hindi mawawala ang mga make-ups ko.


Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos, kumatok naman si Kuya sa kwarto ko saka ko binuksan 'yon. "Bakit?" Tanong ko.


"Kung gusto mong isama ang mga kaibigan mo, go." Hindi niya na hinintay ang sagot ko saka niya sinarado ang pinto ko.


Napa-isip ako. Gusto ko rin namang kasama sila Amanda. Kaso ang isa pang iniisip ko, gusto ko ring mapag-isa. I mean, gusto ko lang ng tahimik ang isip. Since mukhang choice ko ang sinusunod ni Kuya, siguro naman ay papayag siyang kami lang ang aalis? Tama!

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon