Chapter 32

42 2 0
                                    

Xavienna's POV

"Girl, here's the tea! Nag suntukan daw yung madalas na kasama ni Xav at si Calix kahapon!"

"You mean, her current boyfriend?"

"Current kalandian!"

"Eh, paano? Harap-harapang lumalandi si Xav kahit andito na ang kaniyang so called ex na si Calix!"


Tumingin ako sa mga babaeng naglalakad habang pinag-uusapan ako. Napa-irap ako dahil maling impormasyon na naman ang nahagilap nila. What's new? Winsbierge 'yan!


Eh, bakit? Si Calix din naman ah? So meaning, pag si Calix ang may bago, okay lang sa kanila? Masaya sila? New girlfriend, gano'n ba? Kapag ako, pag uusapan ako at current kalandian pa ang tawag! They're so unfair!


Pati ba naman ang Kuya ko ay idadamay nila. Mga wala talaga silang alam.


Simula kaninang umaga, hindi na namatay ang isyu tungkol sa nangyari kahapon. Usap-usapan sa buong Winsbierge ang nangyari. Hula ko pa nga ay kumalat na rin sa Heritage 'to.


'Ba naman kasi si Kuya! Ano ba'ng naisipan at bakit biglang sinapak si Calix!


Rinding rindi na ako sa mga naririnig ko kaya napagpasyahan kong pumunta na lang sa library. Tahimik doon at class hours naman kaya panigurado ay kakaunti rin ang mga tao ro'n.


+639112266778 is calling..


Wala pang isang minuto na naka-upo ako, may istorbo na namang tumatawag. Sino ba 'to? Unknown number, hindi ko naman binibigay kung kani-kanino ang number ko maliban kay Mama, Kuya at sa mga kaibigan ko.


"Hello?" Bagot na bati ko.


["Xav, meet tayo."]


Napakunot ang noo ko sa boses na narinig ko. Napabuntong hininga ako nang mapagtanto ko kung kaninong boses 'yon.


"Ayo'ko ng gulo, Janice." Diin ko.


["Sasaktan namin si Calix kung hindi ka sumipot."] Natatawa pang sabi nito.


Napayukom ang kamao ko nang patayin na ni Janice ang tawag. "Urgh, fuck." Mahinang sabi ko.


Wala na akong nagawa. Ayaw kong mag mga ibang tao na naman ang nadadamay dahil sa katarantaduhan ni Janice.


Hanggang kailan ba ako magtitimpi sa tanginang babaeng 'to? Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, malamang sa malamang ay matagal ko nang ginawa.


Agad akong tumayo para umalis din sa library. Tinext ni Janice sa akin na sa Heritage School ko raw sila puntahan.


Ano, mapapasabak na naman ba 'ko sa sapakan nito? Awang-awa na ako sa maganda kong mukha, please. Pero ang pinagtatakahan ko lang, bakit naman ako gustong makita ni Janice? Kung sa bagay, mukhang hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi niya ako nakikita.

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon