"Hoy, Xav. Hindi pa ba tayo papasok? Nilibot mo na ata ang buong campus para hanapin si Calix." Reklamo ni Yvo habang naglalakad kami sa init.
"What if mauna ka nang pumasok?" I suggest. Ayaw ko namang madamay si Yvo sa akin. Hindi lang siya makakapasok dahil sa akin — sa problema ko.
"12:45 PM pa lang naman. May time pa, sama muna ako sa'yo. Teka, wala ka bang balak pumasok? Akala ko papasok ka after lunch, ha?!" Pagalit na sabi niya sa akin.
"Papasok ako. Malalate lang ako ng ilang minuto pero depende." Nagulat ako nang batukan ako ni Yvo. "Aray naman!"
"Siraulo ka ba? Sabay tayong papasok, sa ayaw at sa gusto mo." Inirapan ko lang siya at wala na akong nagawa sa gusto niya.
"Ayon si Vern! Bilisan mo, takbo na tayo!" Sigaw ko at dali dali kaming tumakbo papunta kay Vern na papasok sa building nila.
"Hoy, Vern Ching!" Si Yvo ang sumigaw dahil mas malakas ang boses niya kaysa sa akin.
Agad namang lumingon si Vern sa amin saka siya kumaway. "Vern! May balita ka ba kay Calix?" Agad na tanong ko nang makalapit kami sa kaniya.
"H-huh? Si Calix? Ewan ko." Nag kibit balikat siya na parang walang paki-alam sa tropa niya.
"Hindi ba't kaklase mo? Baka naman tinatago mo si Calix?" Tanong ni Yvo na parang makikipag away kay Vern.
"Gago, wala! Hindi nga siya pumasok ngayon rito, eh. Maya maya, tatawagan ko." Ngumiti pa siya sa amin. May gana pa talaga siyang ngumiti ngayong nalaman niyang nawawala si Calix, ha.
O baka naman may kinalaman talaga siya? Tatalikod na sana siya nang kalabitin ko siya. "Kung pagtatakpan mo ang tropa mo, itigil mo na lang 'yan." Seryosong sambit ko kay Vern.
"Kahit magpunta ka pa sa bahay namin, wala kang makikita kahit anino ni Calix." Halata mo kay Vern ang pagiging kalmado pero at the same time ay kinakabahan. Kaya malakas ang kutob kong nasa kanila si Calix.
"Sige, sabi mo 'yan, ha? Pupunta ako ngayon." Inis na sambit ko sa kaniya saka siya tinalikuran.
"Ano?! Hoy, Xav! Sarado ang bahay, bahala ka diyan." Akala naman niya ay mapipigilan niya ako.
"Wala akong pakialam, pasasabugin ko ang bahay niyo!" Sigaw ko habang hindi lumilingon sa kaniya.
"Hoy! Huwag, gago!" Tuloy tuloy na kami ni Yvo sa paglalakad para bumalik sa classroom namin.
"Seryoso ka diyan, Xav? Pupuntahan talaga natin si Calix kila Vern?! 12:52 PM na!" Hinihingal na sabi sa akin ni Yvo habang nakatingin siya sa relo niya.
"Ano ka ba, babalik na tayo sa classroom. Syempre kung nasa kanila nga talaga si Calix, malamang sa malamang ay tatawagan niya agad si Calix na papunta tayo ro'n. E'di aalis agad si Calix do'n." Pagpapaliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227429207-288-k205886.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
RomansaBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...