Chapter 5

90 5 0
                                    

"Hoy bobo ka talaga Yvonne, nakadalawang itlog ka na ha!"


"May itlog ka naman, eh 'di ayan na sayo."


"Yvonne, ano ba gutom na ako!"


"Wayne, ano pa bang magagawa mo nalunok ko na't lahat lahat anong gusto mong gawin ko?"


Nagising ako dahil sa sigawan at dahil sa mga unan na tumatama sa ulo ko. Napa-ungol ako dahil sa inis. Kulang na kulang pa ang tulog ko, sa pagkakaalam ko ay katutulog ko lang ata. Iginalaw ko ang buong katawan ko dahil sa sumunod na sipa sa akin ni Amanda.


"Hey, Xav at Calix! Wake up and go home na." Dinig kong sabi ni Amanda.


Dinilat ko ng kaunti ang mga mata ko para makita ang nangyayari sa paligid. Natulak ako nang bahagya ni Calix dahil sa biglaang pwersa ng pagtabi sa kaniya ni Raven habang naglalaro ng Call of Duty.


"Bonak, walang kukuha sa dog tag mo."


"Get up na! What time you guys think it is?" Pagalit na tanong ni Amanda.


"Hayaan mo muna si Calix at Xavy, mukhang napagod kagabi." Natatawang sabi ni Wayne.


Agad naman akong bumangon dahil sa sinabi ni Wayne. "Walang nangyari, bobo ka ba?"


Humagalpak na ng tawa si Wayne nang magreact ako. Tulog pa rin si Calix at naramdaman ko ang pagyakap niya sa beywang ko.


"Eh 'di sana all naghalikan, 'di ba?" Pang aasar pa ni Yvo.


"Manahimik ka diyan, susungalngalin kita Yvo. Wag kang mimi-join dito. May atraso ka pa sa akin." Tumayo si Wayne at susugurin na naman si Yvo.


Napasapo na lang ako sa noo ko at umiling. Biglang uminit ang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Yvonne. Oo, totoo 'yon. Sa sobrang pagkamiss namin sa isa't isa ni Calix ay naging sabik kami sa halikan.


Pero wala nang ibang nangyari! Wala nang iba!


"Anong oras na?" Tanong ko kay Raven.


"Mag aalas-kwatro na ng hapon, uy." Sabi ni Raven habang tutok pa rin sa paglalaro.


Mahaba haba na rin pala ang tinulog ko. Akala ko'y kakatulog ko lang. Sa pagkakaalam ko, ala-sais na ng umaga noong nakatulog na kami. Hindi namin tinigilan ang pag iinom!


"Are we going home, love?" Lumingon ako sa nakapikit pang si Calix.


Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang palad ko saka ko siya hinalikan sa noo. "Tara na ba? Para makabawi ka ng tulog."


"Sleep ako sa inyo." Nabigla ako nang bigla ko siyang tinampal ng mahina pero mukhang masakit para sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon! "Aray!"

Whisper of a Rebel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon