"Uy, Xav? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ng isang kaklase ko nang makita niya akong papasok ngayon sa school. "Hindi ba duty niyo?"
"Katatapos lang, may kailangan lang akong ibigay kay Fatima." Tumango lang siya sa akin saka nagpaalam.
Pagkatapos kong dumeretso para hanapin si Fatima, binigay ko na ang dapat ibigay saka ako tumambay muna sa loob ng Winsbierge. Wala pa ako sa mood na umuwi ngayon. Feeling ko pagod na pagod ako buong araw. Lalo na't katatapos pa ng clinical duty ko.
Dumeretso ako sa soccer field para tumambay muna 'ron. Walang gaanong mga tao rito ngayon dahil class hours naman. Kinuha ko ulit ang isang pack ng sigarilyo at lighter sa bulsa ko at humugot ng isang stick saka ko sinindihan 'yon.
Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano yung napag-usapan namin ni Kuya kagabi. Wala akong alam tungkol sa buhay pag-ibig niya. Eme eme ko nga lang yung moved on moved on na tinanong ko sa kaniya kagabi. It turns out na totoo pala?
"Napapadalas paninigarilyo mo, ah? Bawal kaya yan dito." Lumingon ako sa lalaking nagsalita saka tumabi sa akin.
"Alam ko, Eero. Alam ko. Bakit ka ba andito?" Inis na tanong ko sa kaniya.
Parang nangyari na 'to, ha? Iniisip ko kung kailan nga ba ulit nangyari ang ganitong eksena. Parang deja vu lang.
Hindi niya ako sinagot sa tanong ko saka siya tumingin lang sa akin. "Alam ko na ang mangyayari rito, kaya kung ako sayo ay umalis ka na lang kung ayaw mo mamroblema sa panibagong gulo." Saka ko siya nginitian ng sarkastiko.
Naalala kong napaaway na naman ako noon dahil sa nakita nilang magkasama kami ni Eero rito noon!
"Sige, basta itigil mo na yan." Tumingin ulit ako sa kaniya. Tinuro niya ang yosing hawak ko gamit ang nguso niya. "Baka pagbalik ni Calix, sunog na yang baga mo." Natatawang sambit niya saka siya tumayo para umalis.
"'Diba sabi ko ayaw kong naririnig ang pangalan na yan?!" Sigaw ko sa kaniya. "Isa pa, sino ka ba para pagbawalan ako? Nagsasayang ka lang ng oras rito, hindi rin naman ako makikinig sa'yo."
Pagkatapos painitin ni Eero ang ulo ko, iniwan ko na agad siya saka umalis. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa niya na lalong kinainis ko. Hindi ko na lang siya nilingon dahil magsasayang lang ako ng oras sa kaniya.
Napagpasiyahan kong umuwi na lang saka magpahinga. Medyo madilim na rin kaya mas ginusto kong maglakad pauwi. Ganito naman lagi ang gawain ko kaya wala nang bago.
Nadaanan ko ang mga grupo ng mga lalaki malapit si Heritage School. Karamihan sa kanila ay naninigarilyo. Umiwas lang ako ng tingin at hindi sila pinansin.
"Uy, Xav! Musta?" Sabi ng isa sa kanila. Tinignan ko siya pataas at pababa dahil hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Bakit ba ako kilala nito?
Nakita kong nagtawanan ang iba pa nitong mga kaibigan. Doon ko napagtanto na tinawag lang nila ako para pagtripan. Napabuntong hininga na lang ako. Makalawa, hindi ko ulit sila pinansin saka ulit nag lakad.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
RomantizmBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...