Habang naglalakad ako sa hallway, may nakabangga akong babae. "Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Bulyaw ko.
"S-sorry, Ate Xav." Nakayukong sabi ng babae.
Aalis na sana siya nang hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. Nagulat ako nang bigla niyang inangat ang mga kamay niya na para bang iiwas sa sampal. Nagtaka ako dahil wala naman akong ibang ginagawa para gawin niya 'yon.
Tinignan ko nang maigi ang mukha niya. Siya ba 'yong babaeng pinagdisiskitahan ni Janice dati? "Ba't may mga pasa ka? Napano ka?" Tanong ko.
Lalo namang umiwas ng tingin ang babae. "A-ah, wala po. E-eto pa 'yong last time na napuruhan ako ng mga taga-Heritage." Nauutal na sabi nito.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Nauutal-utal siya kaya naman hula ko ay nagsisinungaling 'to. Pero kung napagtripan nga ulit siya, bakit kailangan pa niyang itago?
"Una na 'ko, Ate." Magtatanong pa sana ako kaso tumakbo na siya paalis at mukhang nagmamadali.
Nagkibit balikat na lang ako saka ko siya hinayaan. Pumunta ako sa garden dahil sabi nila Amanda ay doon sila nakatambay.
"Grabe girl, sinakop nila ang tambayan!" Dinig ko ang sigaw ni Yvo kahit na papalapit pa lang ako sa kanila.
"Girl, true! Halos wala kang makitang taga-Winsbierge ro'n." Pag sang ayon ni Amanda.
Halos hindi pa nila ako napansin dahil busy sila sa pakikipag-chismisan kaya naman nakinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila.
"Tara sa tambayan, tirik ang araw dito." Sabi ko sa kanila saka naman sila napatingin sa akin. Ngayon lang nila ako napansin. Hindi ba sila naiinitan dito? Walang silong dito compared sa tambayan na usually na pinupuntahan talaga ng mga taga-Winsbierge.
Paalis na sana ako nang hatakin ni Yvo ang kamay ko. "Wag na wag mo nang babalakin." Diin niya. "'Di mo ba nakikita ang tambayan?" Tumingin naman ako sa tambayan na medyo malayo rito sa garden pero kahit malayo ay sulyap namin mula rito.
Obviously, "Tinambayan ng mga taga-Heritage." Sagot ko.
"Exactly!" Binitawan niya ang kamay ko.
"Eh, ano naman?"
"Anong, 'eh ano naman'? Gusto mo ba'ng mapaaway ulit diyan?" Iritang sabi ni Wayne. Alam ko namang ayaw niya na ulit matuklasan ang last na nangyari sa akin.
"Tatambay lang tayo, it doesn't mean makikipagbasag ulo ako." Pangungumbinsi ko pa sa kanila. Hindi ko kaya makayanan ang init dito!
"Hay, nako Xav. Ayang 'tatambay' na sinasabi mo, maya-maya bugbog sarado ka na naman. Maawa ka naman sa sarili mo." Sermon pa ni Raven.
"Hindi, promise." Tinaas ko pa ang kamay ko para lang makumbinsi sila. Ewan ko ba kung saan sila natatakot kung sakaling mapasama na naman ako sa away. Parang hindi na sila nasanay.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Rebel Heart
RomanceBOOK 2 of Rebel Trilogy Enemies turned into lovers. Xavienna's life was changed when Calix unexpectedly fell in love with her, and so she is. She promised herself to face all her fears as long as she's with Calix. They became each other's strength...