CHAPTER 16: Saturday Grocery

4 0 0
                                    

JAZE's POV

Nandito ako ngayon sa Mall maggro-grocery ako tapos kumuha ako ng basket para sa dadalhin namin sa fieldtrip so pupunta ako ngayon sa mga gamitan ng mga babies bibili ako ng Pampers, Wet Wipes, baby Powder, Yung ginagamit Manzanilla, tyaka yung Baby Bottle, milk na din ng babies.

Bibili ako ng tig limang pack ng pampers, Wet Wipes, baby Powder siguro mga sampu nalang nitong powder kasi maliit lang yung bibilhin ko para sa baby lang naman pati manzanilla sampu nalang din, yung baby Bottle Lima lang tyaka milk for babies ang mahal siguro tatlong Lactum 0-6 months ito nalang bibilhin ko sa-isip isip ni Jaze.

Jazzzzzee Baklaaaaa sigaw ng kung sino.

Tumingin naman ako sa likod ko at nakita ko si xine na tumatakbo papunta sa kinakatayuan ko sa grocery.

Hooy gurl bat ka sumisigaw gaga ka kakahiya! tinignan ko si xine na nanglalaki yung mata at tumingin ako sa palagid at yun na nga pinagtitinginan kami.

Hahahah sus mahihiya ka pa chariss oo nga pala jaze dahil nakita kita dito pwedeng sumabay sayo sa pamimili ng mga baby kits ngiting sabi nito sakin tyaka nag beautiful eyes.

*Dug dug dug dug*

Taenang yan bat lumalakas yung tibok ng puso ko omg.

My ghaad gurl wag ka ngang magganyan di bagay sayo sabi ko at tumingin sa ibang direction.

Ay ganun okay, sige sabi nito at tumingin sa basket na dala ko.

Yan lang binili mo bakla? Tanong nito at kumapit sa braso ko.

*Dug dug Dug dug*

Hooy puso bat ka ganyan, bat ang lakas ng tibok ng puso mo jusko ayoko na ng ganito baka may mangyari nga sakin waah jusko.

Okay enhale, exhale relax ka lang jaze wala lang yan okay.

Ah-ah Oo xine yan lang, kasi yan lang din naman sinabi nong nag announce na student eh utal kung sabi kay xine.

Hmmm sabayan mo ko ako bibili sa ibang baby kit sabi nito sabay hatak sa braso ko.

Kaya yun na nga naglakad lakad kami at bumili kami ng alcohol, Baby Lotion,Cotton Buds, Baby Shampoo, Baby Soap tyaka pumunta kami sa Baby store para bumili na lang din ng Hat ng baby, Short Sleeves, Blanket, Dribble Bibs, Socks.

Xine Gurl ang dami na nito di na kasya sa basket ko sabi ko kay xine na nakakapit pa din sa braso ko.

Hala sorry hehe sige tama na yan parang okay na din naman to lahat ngiting sabi nito tyaka naglakad na kami papuntang counter.

Jusko ang dami mong alam sa ganito gurl huh may baby ka na ba? Hahah pabiro kung sabi kay xine.

Oo may baby ako kaya alam ko tong mga ganito straight face nitong sabi na hindi nakatingin sakin.

Hala, to-totoo nagkababy ka na sinong ama gurl tyaka ang sexy-sexy mo di halata sayo na nagkaanak ka gulat na sabi ko kay xine.

Secret tyaka alam mo jaze sabi ni xine tyaka inakbayan niya ako kahit mas matangkad ako sa kanya pero binaba ko pa rin yung balikat ko para makapantay ako sa kanya.

Ang tanga mo hahaha may nalalaman ka pang ang sexy ko duhh alam ko na yan tyaka may baby bro ako kaya alam ko tong mga to sinama sama kasi ako noon ni mommy mamili ng mga baby kits kaya alam ko mga gamit ng mga babies paliwanag ni xine sa akin.

Ahhh ganun pala yun okay sorry naman gurl di ko lang knows sabi ko kay xine at umusog na kami sa linya sa counter.

Hahaha okay lang ano ka ba sabi ni xine na kumapit ulit sa braso ko.

Jusko para kaming magjowa sa postura naming dalawa.

Ahh nga pala jaze pagkatapos nito kain tayo nagugutom ako pout nitong sabi sakin na niyuyugyog yung braso ko.

Tumingin naman ako kay xine sa buong mukha niya at napadpad yung mata ko sa lips niya, amputiik bat don napunta paningin ko shet *lip bite* ba-bat parang ang sarap halikan ng labi ni xine.

Ohh shet anong nangyayari sakin puttiik hindi ko to gusto jusko tukso layoan mo ko gagi.

Jaze ano na? Tanong ni Xine sakin habang nakakapit pa rin sa braso ko.

Ahh oh si-sige gurl sagot ko nalang tyaka winaksi sa isip ko yung naisip ko kanina jusko naman.

Owkaay Jollibee tayo pagkatapos nito sabi ni xine sakin.

Okay ikaw bahala kahit ano naman kumakain ako sagot ko naman at umusog na kami sa counter.

At yun na nga habang naghihintay pa ulit kami sa tatlong customer sa harapan namin ni xine nagcecellphone na muna ako habang si xine nakakapit parin sa braso ko hanggang ngayon di ba siya nangagawit.

Xine di ka ba nangagawit sa pagkapit sa braso ko? Tanong ko kay xine.

Hindi naman bakla bakit ayaw mo kung kumapit sa braso mo? Tanong nitong pabalik sakin.

Di naman okay lang sakin na kumapit ka sa braso ko pero baka nangagawit ka na kasi sabi ko kay xine.

Okay lang naman ako eh, mas gusto ko nga kumapit sayo kasi baka mawala mo ko ayiee charot lang bakla hahahah tawang banat ni xine sa akin.

Ano sinabi mo xine? Nangingiti na tanong ko kay xine.

Wala sabi ko okay lang ako wag ka mag-alala sakin hahah natatawang sabi ni xine.

Narinig ko yun gurl sinabi mo baka mawala kita ayun yun diba sabi ko na nangingiti.

Jusko bat parang kinikilig ako sa banat ni xine waah.

Hahaha siguro sabi nito na natatawa at tumingin nalang ulit sa phone niya.

Tyaka ako naman tumingin sakanya na nagpho-phone lang at tyaka nag *Lip Bite* jusko anong ginagawa mo sa sistema ko gaga ka bat ako kinikilig sa banat mo na yun.

Next Po sabi ng nasa Counter.

At yun na nga tinanggal na muna ni xine yung pagkakapit niya sa braso ko at inayos sa counter yung mga pinamili namin mga baby kit para mabayaran na namin.

Maghati tayo jaze sabi nito sakin.

Wag na xine ako nalang magbabayad sabi ko tyaka kinuha yung wallet ko sa bulsa at kumuha ako ng 5 thousand para pambayad sa pinamili namin ni xine.

At pagkatapos noon ay nilagay na ng kasama ni ate counter yung mga pinamili namin sa Eco Bag at naglakad na kami palabas ng grocery store.

Hooy jaze sabi ko sayo maghati tayo bat ikaw yung nagbayad lahat sermon ni xine sa akin.

Gurl ganito kasi yan ikaw nalang magbayad sa pagkain okay, para di ka na magalit sakin sabi ko sakanya at bit-bit yung mga pinamili namin.

Psssh okay fine walang hati huh ako magbabayad sa pagkain sabi ni xine na nakataas yung dalawang kilay.

Hahaha oo na gurl ikaw na sabi ko tyaka kami naglakad papuntang Jollibee at bumili ng makakain tyaka kami kumain dalawa.

Para kaming nagdadate jusko, pero parang masaya din to kasi solo ko si xine ngayon dito tapos kapit pa ng kapit sakin pero natutuwa yung puso ko sa ganito ahhck di ko alam bat ganito tong puso ko omg wag naman sana ayoko sa iniisip ko.

Jaze okay ka lang tanong ni xine sa akin at hinawakan kamay ko.

*Dug dug Dug dug*

Ah-ahh oo xine okay lang akez hehe utal kung sabi at ngumiti ng pilit kasi lumalakas na naman ang tibok ng puso ko jusko.

Okay sagot nito at inalis yung kamay niya sa pagkakapatong sa kamay ko at kumain nalang ulit ito at nagcellphone.

Harujusko anyare sakin ang lakas talaga ng pintig ng puso ko ayoko sa iniisip ko ngayon pero parang na-nagugustuhan ko na si Xine ayoko lalake ang bet ko eh waaaah.

*TO BE CONTINUED*

THE PERFECT MATCH (TPM) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon