Delaney
Buong byahe ay napaka-awkward lang talaga hanggang sa maihatid ko na si Miss Natalia sa condo niya na malapit lang dito sa University. Hindi na ba siya doon nagsi-stay sa napakalaking bahay niya?
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong humiga sa higaan namin because I felt so tired kahit wala naman akong ginawa masyado sa school. Sadyang na-stress lang talaga ako sa nangyari kanina. My gosh! Hindi keri ng bangs ko!
"Change you clothes, Zielle!" Sigaw ni Tine mula sa loob ng bathroom.
"Later." Sagot ko pero agad na napabangon when she started counting. Nakakatakot pa naman kapag nagbilang na siya, huhu. Tiyak na matutulog ako sa couch kung hindi ako susunod.
Kaya agad akong tumungo sa closet ko at kumuha ng pajamas and oversized t-shirt. Pero bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa aking puso ng makita ang t-shirt na nakuha ko. It's a white oversized shirt printed with a name, 'goddess'. And the owner of this shirt is literally a goddess.
Erase! Erase! Erase!
Nagbihis na ako at agad na bumaba ng makitang wala na sa bathroom si Tine, nasa baba na ata. Saktong pagbaba ko ay nakahain na ang aming dinner, mula dito sa hagdan ay amoy na amoy ko na ang mga pagkain. Hmm, smells good!
Yum.
"Sit down." Utos niya matapos ko siyang ipaghila ng upuan. And I did what she said.
"Let's pray." She said at pumikit na. She leads the prayer. And after ay kumain na kami. Siya pa ang naglagay ng rice at ulam sa plato ko.
Hays, napaka-wifey material talaga.
Pakasalan ko na lang kaya 'to ngayon na? As in ngayon na. Yeah, right now. Charot!
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpumilit na maghugas ng mga pinagkainan namin at mga pinaglutuan niya kanina. Agad akong tumungo sa living room ng natapos na ako dahil nandoon siya pero natawa ako ng makitang nakapikit na ang mga mata niya habang ang remote control ay hawak-hawak pa niyang nakapatong sa dibdib niya. Wala, ang cute lang. Lol.
Hinay-hinay ko siyang binuhat in a bridal way. Maingat ko rin siyang ibinaba sa kama namin dahil ayaw kong magising pa siya. I know she's really tired. Sandamakmak ba namang mga gawain. Ta's tambak pa ang mga test papers na hindi pa niya nagagalaw. Speaking of! Ako na lang magche-check nun, I am not yet sleepy pa naman kasi. Kaya kinuha ko na ang isang katirbang papel mula sa mini office niya at dinala iyon living room at doon ko sinimulang check-an. May answer keys na rin naman kasi siyang ginawa.
Bago nagsimula ay kumuha muna ako ng chips and canned softdrinks at bumalik na sa sala. Umupo ako sa carpet ng naka-indian sit ng biglang tumunog yung phone ko.
Kumabog ng nakakaloka itong aking pusong pakialamera after makita kung sino ang nag-text. Agad ko naman iyong binuksan at binasa.
Natalia: I think I left my handkerchief on your car. Can you check it for me?
Wala sa sariling tinakbo ko ang garahe at hinanap ang panyo niya sa backset. Ganun na lang ang pagliwanag ng mga mata ko when I found it. Pero natigilan ako ng makilala ang panyo. Shemay, akin 'to!
"All this time yung paborito kong panyo nasa sa kanya lang pala?" Natatawang tanong ko sa sarili.
Bumalik na ako sa loob at nilabhan na lang iyon pero mukhang hindi naman ata nagamit dahil maayos pa at napakabango---amoy Natalia.
Pero nilabhan ko pa rin dahil ibabalik ko sa kaniya tomorrow. Then after kong labhan iyon ay bumalik na ako sa ginagawa ko. 12:43 AM na ako nakatapos kaya tamang kopi-kopi lang para hindi antukin.
Inayos ko muna ang living room bago umakyat sa taas. Nang maging okay na ay dali-dali akong umakyat dahil nakaramdam na naman ako ng takot. Piste talaga! Kakabawas ng angas!!!
Agad kong isinara ang pintuan at dali-daling humiga sa tabi ni Tine na malalim na ang tulog. Humalukipkip ako sa kanya at nagtabon ng sarili kasi feeling ko nasundan ako. Para akong tanga, huhu.
Nagulat naman ako ng may maramdaman akong humawak ng waist ko sa pagitan ng bedsheet, when I open my right eye, it was Tine. Nakaharap na ngayon sa akin at nasa waist ko ang kamay niya. Kaya naman isiniksik ko ang mukha ko sa kanya. I feel safe.