Delaney
We're on our way to C.U. Kasama ko ngayon si Miss Yvonne dahil siya ang coach namin. Nasa iisang van lang kaming lahat at ako ang nasa tabi ni Miss Yvonne. Nasa right side ko siya while Pat is on my left. Magkasama rin kami ni Pat ngayon at ramdam ko ang distansiya nilang dalawa ni Miss Yvonne sa isa't-isa. Ewan ko kung bakit. Nung nagti-training kami e ang close nila. Palagi pa nga niyang pinagbubuksan ng tubig o kukuhanan ng pagkain si Miss Yvonne. Ta's palagi rin silang magkasama. Pero ngayon lang, ni hindi siya makatingin sa mga mata ng coach namin.
Is there something between these two?
Bakla ka, Patricia!
"Pat, palit tayo." May plano ako. Mwehehehe!
"Ayaw ko nga, hindi ako sanay sa gitna e." Kunot-noong sagot niya. I mentally laughed. Dapat seryoso ako ngayon 'no. Baka makahalata siyang nahahalata ko sila nitong propesor na ito.
Grabe na talaga ang mundo. Magkakaibigan nga talaga kami. Si Cash nobya si Miss Catiara. Ta's ako si Miss Celestine. Ngayon naman may kakabuo lang ata, sina Pat at Miss Yvonne naman. Si Reiz na lang at Hailee yung hindi ah. Kung sakali man na maging kasapi rin namin sila, kanino kaya magkakagusto itong si Hailee? Ang hirap niyang paamuhin e.
Hanggang sa makarating kami sa C.U. walang imikan talaga itong dalawa. Kahit nga nag-i-instruction kanina si Miss Yvonne yung paningin nitong kaibigan ko e nasa baba.
"Is my face on the ground, Guerrero?" Maawtoridad na tanong ni Miss Yvonne. Yung pang-classroom niyang boses, lagot!
"No, ma'am." Iniangat nito ang ulo niya pero nasa kung saan ang paningin nito. Sinasabi ko na nga ba e.
"Then why are looking there? Are you even listening?" Giit nito. May inis sa tono ng boses nito. Nakakatakot! Hindi kami sanay sa ganitong side ni Miss Yvonne. Usually kasi, she's gentle when it comes to us.
"I'm sorry, ma'am." Sagot ni Pat at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito. Palipat-lipat pa ako ng tingin sa dalawa. Parehas pa talaga ang ipinapahiwatig ng mga mata nila.
What's going on with these two?!
"Are you okay?" Bulong ko sa kaniya sabay hagod ng likod niya.
"Yeah." Plain itong ngumiti sa akin.
"Are you sure?" I asked again. Ang tanga ko naman magtanong. Halata naman na hindi.
"Yes. Don't mind me. Napagod lang sa byahe." Bobo rin itong isa e. 30 mins lang ang byahe namin papunta dito e. Napagod na siya nun?
Ngumiti na lang ako ng plain.
Papunta na kami sa loob ng may sumalubong sa amin. I think isa siya sa mga professors dito. Ang ganda niya. She looks like a supermodel. Mukhang may half ata ang isang ito. Ang ganda din ng emerald eyes niya.
"Oh gosh! Hi, Antonia!" Natutuwang bati ni Miss Yvonne sa magandang babae sabay yakap dito. I saw how Pat rolled her eyes on my peripheral vision. I giggled. Ang cute nila.
"I missed you, Vo!" Sagot naman ng tinawag na Antonia ni Miss Yvonne after nila kumawala sa pagkakayakap ng isa't-isa.
"Vo daw, tsk. How cringe." I heard my friend said while crossing her arms. She rolled her eyes again while staring at Miss Yvonne and Miss Antonia.
Napatawa naman ako ng mahina and acted na parang walang narinig.
Miss Antonia escourted us. Lumingalinga naman ako sa paligid baka sakaling makakita ako ng kakilala ko. Dito pa naman nag-aaral si Cha.
So I decided to call her instead na agad naman niyang sinagot.
"Where are you?" Panimulang tanong ko sa kabilang linya.
[Nasa school of course.] Natatawang sagot niya. Of course.
"Nandidito ako ngayon sa school niyo." I said excitedly. Excited na akong makita siya. After high school pa last interaction namin e.
[Really? Where exactly?]
"Engineering cafeteria daw." Sagot ko.
[Malapit lang pala. Sige, we're on our way.]
"We?" I asked.
[Yeah. I'm with my friends. Pakilala kita sa kanila.]
"Okay." I smiled and nodded even hindi niya nakikita. "I'll wait for you here." And I ended the call.
So, Engineering Professor pala itong si Miss Antonia. Grabe, ang ganda talaga niya. Makalaglag pa nga yung ganda niya lalo na kapag ngumiti siya. I know for sure she has a dead-drop handsome boyfriend. That's for sure.
"How's Maxine? Nag-confess na ba sa 'yo?" Natatawang tanong ni Miss Yvonne sa kaibigang propesora. I saw how her smile faded.
"Isabelle and Max are already in a relationship." She said painfully. Parang nakaramdam tuloy ako ng karayom na itinusok sa puso ko. I know she's in deep pain.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Sabi ko namang bakuran mo na e." Tila nanghihinayang sa sambit ni Miss Yvonne.
"Crazy!" Finally she laughed, pero hindi yun buo. "I know right from the start she has feelings for Isabelle. And I don't wanna be a hindrance 'no. Tsaka, I'm happy naman for them." She said at pilit na ngumiti. Totoo nga ang sinasabi nila, 'hindi nagsisinungaling ang mga mata'. Bakas sa mga mata niya ang sakit. I feel bad for her.
"That's okay, Jaz. You can fin---" Natigilan sa pagsasalita si Miss Yvonne ng may sumigaw ng pangalan ko.
"DELANEY!"