Chapter 18

1.4K 80 41
                                    



"Saan kayo galing?"

Tumingin silang lahat samin dahil sa tanong ni Loriel, I tried composing myself. Hindi ako nag-react sa tanong niya kahit na 'di ko alam ang sasabihin ko.

"Washroom." Sabay na sagot namin, it was unintentionally. I saw their judging looks.

"I went upstairs, sa baba siya nag restroom. Hindi kami magkasama." Walang gana kong sagot.

"Ah, okay. Good that you're both here, Tita Richie's about to say something." Sefanie informed me.

Pumasok kami sa loob at naabutan namin sila Mrs. Devon at Mrs. Richie na napapaligiran ng mga bisita. They're at the center of the party, smiling to everyone who's looking at them.

"I would like to take this opportunity to thank everyone here, maraming salamat sa pag punta. I hope you guys enjoy the party." Ito ang sinambit ni Mrs. Richie habang nakangiting nakatingin samin at pagkatapos ay nag palakpakan naman ang mga tao nang dalhin ni Mrs. Devon ang cake sakanya para iblow, which she did.

Bumalik kami sa kanya-kanya naming gawi ng matapos 'yon, ang mga tao at sila Mrs. Devon ay nakikipagusap sa iba pang bisita, nakita ko pa si Cortez na nagpaalam sa parents niya bago ito umalis at maglakad patungo kung nasan kami.

"Sef, tayo lang ba dito hanggang bukas?" It was Loriel who asked kaya napatingin ako. She was sitting on the ground with her arms on her thighs.

"Yeah, relatives lang ang matutulog dito mamaya and syempre closed friends rin." Sagot niya.

We were on the backyard now, katapat ng lake. We were sitting on the grass, admiring the view. I've never seen a lake that's beautiful as this one, the water's so clear iisipin mong hindi totoo 'yon.

"Ate Sef, grandma's here."

Lumingon ako sa likod ko, nanlaki rin ang mga mata ko ng makita ko si Cortez na may kasamang matanda and she was very familiar with me.

"Hi, Nana!" Binati agad siya ni Sefanie.

"My dear, ngayon lang ulit tayo nagkita, ah?" Tugon ng matanda sakanya habang nakangiti. "Oh! Well, who's these pretty ladies?"

"Nana, they're my friends. This is Brianna Wilson, Loriel Gray, Celestine Harris, and Beatriz lopez." Isa-isa silang pinakilala ni Sefanie. "They're Professors at CHU, Nana. Just like me."

"Professors at Cortez High? Didn't I met one of them already, hija?" Tanong ng matanda kay Cortez. "Why isn't she here?"

"You met one of them?" Sefanie asked, curiously.

"Yes, she was so gorgeous too, I think... Avery is her name right, hija?" Tanong ulit ng matanda.

I saw how shock they were, lahat sila ay sabay-sabay na tumingin sa'kin sa dulo bago ngumisi si Sefanie, mukhang may naisip na kalokohan.

"Speaking of that gorgeous Avery, she's here!"

"Mrs. Eleanor, how are you?" Lumapit ako sakanya at binati ko agad siya. Mukhang nagulat naman siya, nanlaki pa ng bahagya ang mga mata habang nakatitig sa mukha ko.

"Oh! It's you hija, it's you Avery!" Mabilis niya akong niyakap habang tuwang-tuwa ang mukha niya.

Hindi rin naman nag tagal ang pagkakayakap niya sa'kin, bumitaw rin siya but her smile remained the same like she's happy to see me here.

How To Have You (Professors Series #1.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon