Chapter 24

1.3K 82 49
                                        



"What now?"

I arched my brows habang nakatingin ako sa rear mirror to fix my hair at siya naman ay pinagmamasdan lang ako. Kanina niya pa ako tinititigan, may dumi ba sa mukha ko? Wala naman ah. I suddenly felt conscious about how I look.

"Wala. You're in my jersey." She smiled.

"I'll give it back to you when it's clean, thanks."

"No need, It's yours." Agad akong napatingin sakanya nang dahil sa sinabi niya, why is she giving me this? It's hers. "Pati ako, sayo na."

Napangiwi ako sa banat niya, ang corny! Is she always using this cheesy lines for her girls?

Inirapan ko siya. "Ang landi mo."

"Atleast, ikaw lang ang nilalandi ko." Nakangising tugon niya sa'kin making me frown.

"Why are you giving this to me nga? Kasi nasuot ko na? If that's the case then you shouldn't let me borrow it." Sinubukan ko pading makipag-away sakanya, I just want to know why she's giving out her jersey.

"No, I just want you to have it." She shrugged.

She's giving away her jersey? Ganon niya ba hindi pinapahalagahan ang gamit niya? Like she's throwing something unimportant to her.

"Is giving away jerseys to your girls one of your habits too? Tell me, Ilan kaming binigyan mo?" The thought made my blood boil. Tinaasan ko siya ng kilay, waiting for her answer.

"Let's rephrase that, I only give what's mine to my girl and to answer your other question, ma'am?" She paused for a second at marahan akong tinignan with her lips curling into a smirk. "Ikaw lang ang binigyan ko, so that means... you're the only one."

She leaned closer to me making me stiffened on my position, napasandal na rin ako sa shotgun seat. I cleared my throat as I look away dahil ito na naman siya sa mga salita niyang nakakakuha sa'kin.

"Stop it." I tried all of the strength I had in me to say these words and thank god I didn't stuttered.

She giggled a bit. "Nag lunch ka na?"

My eyes widen because that's when I remember na aalis nga pala kami nila Sefanie! Oh my god! How could I forget? Nakalimutan ko na talaga!

"Lunch tayo? My treat, this time it's a date."

"I... can't," I hesitated before saying it. The last time that I declined her offer I found her on a restaurant with another girl.

"Ouch, rejected na naman ako. Okay lang, sino ba naman ako 'di ba?" Nakahawak ang isang kamay niya sa dibdib at ang isa ay nagpupunas ng pekeng luha sa mata niya. "Alam ko namang ayaw mo talaga sa'kin e, kaya okay lang..."

I knew it. Napakadrama talaga ng babaeng 'to.

"Dumbass, I'm going out with Sefanie and the other professors. Stop being maarte!" Kinurot ko siya sa braso niya kaya napadaing siya kaagad.

"Ito naman nagbibiro lang e, you're angry again. Kailan ka ba matutuwa sa'kin, ma'am?" Naka-pout na naman siyang nakatingin sakin.

"Bakit ako matutuwa sayo? Hindi ka naman nakakatuwa." Masungit na pambabara ko sakanya.

"Ah ganon?" Her tone changed.

"Hm... yeah." I sarcastically answered.

"You should be thankful that I like you, kung hindi baka maikli lang ang pasensya ko sa'yo." She mocked my attitude.

How To Have You (Professors Series #1.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon