Chapter 20

1.4K 88 80
                                    



"'Huy, Ave! Okay ka lang ba?"

My senses came back ng marinig ko ang pamilyar na boses ng kasama ko, It was Loriel. Nasa harapan ko na pala siya at hindi ko 'yon napansin.

"Yeah? What was that?" Umayos ako ng upo at tumingin ako sakanya.

"Tinatanong kita kung hindi ka pa ba pupunta sa klase mo? Don't you have classes today?"

It was monday again, nasa faculty kaming dalawa. Mukhang paalis naman na siya, dala-dala niya na kasi yung mga gamit niya, including her laptop.

"Uhm, yeah. Maya-maya pa." I gave her a small smile bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Okay ka lang? You're zoning out a lot lately."

She was right, napansin niya pala 'yon? Hindi ko kasi mapigilang hindi isipin 'yung nangyari 'noong sabado sa rest house nila Claine. Ang huling paguusap namin ay noong hinatid niya ako sa unit ko, it went to another fight again.

"I'm okay, Lori. Thanks." I gave her a nod.

"Well, I better get going. I'll leave you here na." Kumaway siya sa'kin bago niya binuksan at sinara ang pinto, hindi ko na siya nakita ng makalabas siya.

Sumandal ako sa swivel chair ko, I closed my eyes. Huminga ako ng malalim habang nakapikit ako, I was not in the mood today. I was somehow tired.

Minutes later, I heard the door opened and closed. Hindi ko naman 'yon pinansin but when I heard her familiar voice, I almost jumped out from my seat.

"Good morning, ma'am." She carefully greeted.

Minulat ko ang mga mata ko, nakita ko siyang naka-tayo sa harapan ko, diretsong nakatitig sa'kin. I raised a brow at her, obviously shock to see her.

"What are you doing here?" I asked as I shifted my position, tsaka ako tumingin sa wrist watch ko. "Shouldn't you be in class already?"

"I just wanna give you this," She showed me a light blue lunchbox. Mukhang nakuha niya naman ang tingin ko kaya sinabi niya kung anong laman non. "Blueberry cheesecakes, ma'am."

"Bakit mo binibigay sa'kin 'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I made these for you," Pinakita niya rin ang isang starbucks na kape sa'kin. "Oh. But I didn't made the coffee, binili ko po."

"It's still early for desserts." Inilingan ko siya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at binuksan niya ang lunchbox, she grabbed a fork. Kumuha siya ng blueberry cheesecake gamit 'yung tinidor at tsaka 'yon tinikman, mukhang tuwang-tuwa pa siya ng bumaling siya sa'kin habang naka-angat 'yung tinidor na may panibagong laman.

How cute.

"Tikman mo, say ah." Nilapit niya sa'kin ang hawak niya, agad naman akong napalayo sakanya.

"Stop. I don't eat from mouth to mouth." Iniwasan ko siya ng tingin, humarap ako sa laptop ko at inayos ko ang lesson ko doon. "You put that fork in your mouth and now isusubo mo sa'kin?"

"Hindi ko po alam, sc ka po pala?" Tanong niya, bahagya pang kumamot sa ulo niya.

"Sc?" Bumalik ang tingin ko sakanya.

"Saliva conscious."

Nilagpasan ko siya ng makatayo ako, I grabbed my things before walking out from the faculty. I walked to my building while carrying nothing dahil lahat ng gamit ko ay dala ni Claine, as soon as makapasok kami sa room ay tumahimik ang lahat.

How To Have You (Professors Series #1.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon