Chapter 15

29.8K 736 434
                                    

I woke up with Zion's multiple texts and five missed calls. Napakusot ako ng mata bago ko binasa iyon.

Zion:

Where the fuck are you? It's been almost fucking three weeks, Lavender!

Zion:

Tell me your location. I'll fetch you up.

Zion:

Ate, please fucking reply! I'm worried!

Napabalikwas ako ng kama. Ang sabi ko kay Lexie ay siya na ang magpalusot. Why is Zion texting me now?!

I opened my Instagram to chat with Lexie.

From: itsLAVender

Hey, my brother is texting me! 'Diba sabi ko sa'yo ikaw na ang bahalang magpalusot?

Lexie isn't replying. Tiningnan ko ang bagong story niya na kakapost lang niya five minutes ago. It was a picture of a fried egg.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ang caption. "Cry all you want pero mas masarap pa rin ang sunny-side up egg kaysa sa itlog mo."

Napaubo ako. "What the fuck, Lexie?!"

Ang kalat talaga nitong si Lexie. Pati sa Intagram ay naghasik pa ng lagim.

Ilang sandali pa ay nakatanggap na rin ako ng reply sa kaniya.

From: iamlexie

I told him you were on vacation.

From: itsLAVender

Ugh, Lexie! You could've told better excuses!

From: iamlexie

Lesson learned. Huwag bumukaka kapag di ready ma-depressed. lol. jk.

From: itsLAVender

Fuck u. I'll just text him that I'm busy with my work. If he still insists on finding me, make a proper excuse for me.

From: itsLAVender

I'll get George's IG account for you. Convince Zion better. Okay?

From: iamlexie

got it nyehehehehe. excited na puday ko.

Napabuntong-hininga ako bago nagtipa ng message para kay Zion. I said that I was living somewhere because of my work. Hindi siya nakuntento sa pagtatanong. He's so curious! He even called me!

"Why did you move out? Why did you lie about being on vacation?" May halong galit ang boses ni Zion.

"I just don't want to live in the condo anymore. You know that, right? You know that I don't want to get help from our parents."

I crossed my two fingers. Sana maniwala siya.

Tumahimik si Zion sa kabilang linya. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Fine," he surrendered. "Contact me if you need anything. I'll hang up now. I'm busy with my summer class."

"Alright. Bye,"

I ended up the call with Zion. Boring na naman dito sa bahay dahil wala akong magawa. Kung wala si Calen dito ay sila Cecil at ibang mga kasambahay ang ginugulo ko. Nakwento ko na ang buong buhay ko sa kanila sa loob ng ilang araw. Wala na akong ma-topic.

I texted Calen because I was feeling bored.

Me:

Heeeeyyy! Ano gawa mo?? R u busssyy??

Ngumuso ako habang nakatingin sa phone screen, inaabangan ko ang reply niya. Sometimes he takes long to reply.

Calen:

365 Days Contract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon