Chapter 24

29.8K 857 671
                                    

"W-What do you mean..." Kunot-noong tanong ko.

I don't get him. What is he trying to say? Waiting for me to fall? Ano? Gusto niya ba ako? Since when?

Or is he just doing this because I'm pregnant?

Pumakla ang mukha ko at napalunok. Mahina kong tinabig ang kamay niyang nasa mukha ko.

"Calen, stop playing with me." Mariin kong sabi. "Umalis ka na. Matutulog na ako."

"What did I do—"

Nahiga ako sa kama at tinalikuran siya. Tinakpan ko ang sarili ng kumot.

"Lav..." Panunuyo niya.

Pinikit ko lalo ang mga mata ko. My heart is aching.

"Let's talk first. I won't let us sleep again for another night fighting." Huminga siya nang malalim. "I don't even know when this fight started. You just became cold and ignored me. At least talk it out, so we can solve it together." Malambing ang boses niya.

Napakagat ako ng ibabang labi bago dahan-dahang sumilip sa labas ng comforter. Mata ko lang ang nakalabas habang nakatingin sa kaniya.

Calen sighed in relief when our eyes met. My eyes fucking hurt. Siguro dahil sa pag-iyak kanina pa. I'm sure that they look reddish now.

"A-Are you doing all of this and s-saying things because..." I paused; I was scared to continue what I was saying. Napalunok ako. "...you got me p-pregnant, Calen?"

Napapikit si Calen at napabuntong hininga. "I was waiting for you to ask me that again, Lav." He opened his eyes again and locked them with mine. "Why did it take you so long to ask me that?"

"S-So?..."

Napalunok ako habang tinitingnan si Calen. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako. I can't believe what's happening to me right now. Hindi naman ako ganito rati.

Calen brushed my hair softly. Napapikit ako nang hinawakan niya ang pisngi ko. Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya.

I bit my lips and opened my eyes slowly. Nagtama ang paningin namin. Malambot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"No..." He whispered. "Definitely no, baby."

Umuwang ang bibig ko. Kung malakas at mabilis ang tibok ng puso ko kanina, ngayon ay pakiramdam ko ay mahihimatay na ako.

"W-Wait lang,"

Bigla akong napaupo sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko. Oh my god, my heart fucking beats so fast. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. I feel my face heating up!

"Y-You like me?" Kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok dahil sa nerbyos. And it makes me even more nervous when Calen takes long to respond! Hindi ko alam kung nananadya ba siya o hindi!

Calen sighed heavily. "Isn't it obvious?"

Umuwang ang labi ko. "H-Ha? Akala ko landian lang natin? Like landi-landi lang, ganoon?"

Calen made a soft laugh. "So, you're admitting that you're intentionally flirting with me?"

"K-Kasi nilalandi mo rin ako! Ikaw ang nauna! Ang kati-kati mo, Morgan!" I defended myself. Natawa ulit siya at napailing pa.

Totoo naman iyon! Calen was the first one who flirted with me! Binalik ko lang 'yon sa kaniya. But I flirted with him through texts and banats only! Hindi naman iyon malala.

"Y-You!" Napaturo ako kay Calen nang may maalala. "You fucking broke the contract, Calen!" Nanlaki ang mata ko.

"Huh? What are you saying?" Pa-inosente niyang tanong.

365 Days Contract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon