Chapter 22

29.7K 792 693
                                    

"Good morning!"

I greeted Calen when I peeked inside his room. May hawak-hawak akong gatas na iniinom at tatlong pirasong waffle na patong-patong sa iisang plato.

Abala si Calen sa pagtitingin ng mga papeles. Nakapalit na siya at nakaayos na rin ang buhok. He is about to leave.

"Good morning, Lav." Tinapunan niya ako ng tingin pagkatapos ay binalik iyon sa papeles.

Napakagat ako ng ibabang labi habang nakatingin sa kaniya. He looks busy. Ayaw ko siyang guluhin. Should I just leave him?

Humakbang ako paatras para umalis na.

"Where are you going?" Rinig kong boses ni Calen kaya dumungaw ulit ako sa loob.

"You look busy," Sagot ko.

"I can make time for you." Seryosong sabi ni Calen at nag-angat ng tingin sa akin.

"Come here," Tinapik ni Calen ang hita niya.

Napangiti ako bago lumapit sa kaniya. I excitedly sat on his lap. Pinatong ko sa ibabaw ng hita ko ang plato ng waffles at uminom ng gatas.

"What do you want?" tanong ni Calen at pinatong ang ulo sa aking balikat habang mayroon siyang binabasang papeles sa harapan ko.

"I'm craving sweets like chocolate." Sabi ko sa kaniya at bahagya siyang nilingon. Tumama ang ilong ko sa pisngi niya.

"Hmmm...Okay, I'll get that for you. What else?"

"Can you get me a cake too? Chocolate flavor din. You can buy a cake for only a slice. Huwag 'yung malaki. I'm trying to maintain my diet."

Calen chuckled a bit while reading the documents. "Alright, if that's what you want." He said, amused.

"What else do you want?" Tanong niya.

"Umuwi ka nang maaga," Seryosong sabi ko.

Calen stopped reading and looked at me. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin kaya napaiwas ako ng tingin.

"It's because I'm bored here, you know. I can't really do anything without you." Bulong ko.

Biglang uminit ang pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang mga sinasabi ko. "I-It's because I can't bother Cecil and the other maids! T-They are all busy!" Sabi ko at mabilis siyang sinulyapan.

Calen bit his lips. Mas lalong pumula iyon. "Okay. I'll go home early."

Pumasok si Calen sa trabaho nang malapit ng mag-8 ng umaga. Bumalik ako sa kwarto ko at nanood na lang ng Netflix movie. Nang magsawa ako ay bumaba ako at hinahanap si Cecil at ang ibang kasambahay.

Nasa kusina sila at naghahanda na para magluto.

"Kayo ang magluluto ngayon?" Tanong ko.

Mayroon kasing taga-luto si Calen ng pagkain. Kung nandito si Calen, siya minsan ang nagluluto ng ulam, pero madalas ay ang mga taga-luto niya ang gumagawa no'n.

"Opo, ma'am Lav. Day off po ng mga taga-luto ngayon at nagbakasyon. Sa susunod na araw pa po ang balik nila." Paliwanag ni Cecil.

Hinanda ni Lina at Erica ang mga gamit sa pagluluto, pati na rin ang isda na ipriprito.

Pinanood ko sila Cecil na magluto. They are so good! Hindi man lang nasunog 'yon. Tama lang ang pagka-prito.

"Erica, turuan mo nga ako diyan." Kinalabit ko si Erica na siya ngayo'y nagpriprito.

Si Lina at Erica ay abala sa paghahanda ng ibang rekado. Hindi lang yata basta-basta prito ang iluluto.

"Marunong ka ba, Ma'am?" Tanong ni Erica.

365 Days Contract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon