Ep10: Preparation

230 27 7
                                    

Kabanata 10

Earlier...

"Ate, natatakam na ako sa adobo." Sabi ni Apol.

"Hindi naman masarap 'yan." Komento naman ni Rambo.

"Hoy! Grabe ka, masarap kaya magluto si 'Nay Rita." Apol defended his mother Rita.

"Tama si Apol." Sang-ayon naman ni Kyla. "Teka nga, hindi iyan ang pag-uusapan natin. Ang gusto kong pag-usapan natin e, kung paano tayo babawi kay nanay."

"Babawi ka pa, ate? E alam mo naman kung ano ang ginawa niya kay Ate Charisse." Sabi ni Rambo.

"May kaunting misunderstanding sa nangyari. Kasalanan ko rin naman dahil nag-react ako 'agad sa nakita ko. At saka, inamin na sa akin ni Charisse na, hindi siya tinulak ni 'Nay Rita."

Napatingin sina Apol at Rambo kay Charisse.

"Ayaw rin ni Charisse na nagkakasalubong sila ni nanay dahil, nahihiya siya." Sabi ni Kyla at tiningnan ang direksyon ni Rita. "Kailangan nating bumawi kay nanay."

Nang maka-alis si Rita ay 'saka naman sila kumain. Bumalik si Lydia at 'agad tinanong ang mga bata kung nasaan na si Rita.

"'Nay, kain na po tayo. Mamaya na po tayo maglaba." Pagyaya ni Kyla. "Oo nga po pala, 'nay. Nabanggit po ni 'Nay Rita kanina na ikakasal na raw sila ni Kuya Paeng. Totoo po ba 'yon?"

"Aba e, ewan ko rin. Pero magkasama naman sila kanina. Siguro totoo nga ang sinabi ni Rita." Tugon ni Lydia at umupo.

"Mga bata? Aling Lydia?"

"Si Ate Maika ba 'yon?"

"May tao po ba dito?" Boses naman ni Kilmer.

"Malamang, ano ka ba!" Tugon ni Maika. "Ay, Aling Lydia. Pinapunta po kasi ako ni Ma'am Rita rito para po ibigay sa'yo-"

"E nandito si Rita e, kanina lang."

"Ah, oo nga po, Aling Lydia. Pero, nasa clinic po siya ngayon-"

"Ano po ang nangyari kay 'Nay Rita, Ate Maika?" Nag-aalalang tanong ni Apol kay Maika.

"E, hindi ko alam, Apol, e. Pero, okay naman na raw siya. Pinapabigay niya lang ito sa inyo." Sabi ni Maika at inilabas ang invitation card. Inabot niya ito kay Lydia. "Alam niyo, top priority talaga kayo ni Ma'am Rita. Kayo kasi y'ong taong gusto niyang unang makatanggap ng invitation card na ito."

"Oo nga, ma'am. At saka, papunta na rin po y'ong mga damit-este y'ong mga gagawa po ng damit niyo para sa kasal nila Ma'am Rita at Paeng." Si Kilmer.

"At saka, susunduin po kayo ni Ruben sa December 23. Opo, sabay-sabay po tayong pupunta doon. Sila Ma'am Rita po ay susunod po sila."

The Last Love Adventure of Rita VillonWhere stories live. Discover now