Kabanata 19
-
"Ma'am, sabi ko na sa'yo e." Sabi ni Maika habang nakaupo naman si Rita sa kaniyang upuan at masayang-masaya pa.
"Hindi ko naman alam na p'wede palang magkamali ang pregnancy test." Nakangiting tugon naman ni Rita.
"Nako, ma'am! Nagkakamali po talaga minsan ang pregnancy test kaya mas mabuti po kung nagpapa-check-up na lang para mas sigurado." Sabi ni Maika. "Pero Ma'am may naisip na po ba kayong pangalan ng magiging anak niyo?"
"Ikaw, baka may suggestion ka." She looked at Maika.
"Ay bongga! For sure po ber months siya lalabas so mas magandang pangalan po 'ata is Felixia Villon pag babae" Maika.
"'Pag lalake Felix?" Sabi ni Rita at napatango naman si Maika. "'Di ba pwedeng isunod sa pangalan ko o sa pangalan ni Paeng?"
"Sana po hindi niyo na po tinanong ang suggestion ko."
Nagtagpo naman ang kilay ni Rita ng hindi niya maintindihan ang sinabi ni Maika. Mga dalawang minuto bago matauhan muli si Rita at nagsalita naman si Maika.
"Anyway, kailan niyo po ba ito sasabihin kay Paeng, ma'am?"
"Sa pag-uwi niya, para naman may surpresa ako sa kanya kasi I'm sure meron siyang surpresa para sa'kin." Tugon ni Rita na ikinatango naman ni Maika. "By the way, can you call Paeng for me? Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko simula kanina bago pa man ako makarating dito."
"Nako! mukhang nagkakatampuhan 'ata kayong mag-asawa ah?" Pang-aasar ni Maika sa amo.
"Maika," Rita warned her assistant.
"Okay po, ma'am. Right away po." Sabi ni Maika at 'agad namang sinunod ang utos ni Rita.
Inayos naman ni Rita ang mga kalast sa kankyang mesa at umupo ng maayos habang hinihintay na sagutin ni Paeng ang tawag ni Maika.
"Ma'am ito na po." Pabulong na sabi ni Maika at inabot kay Rita ang cellphone.
"Hello, Paeng?" Paninimula ni Rita.
[Akala ko ba si Maika ang kausap ko?]
"Hoy! Tigil-tigilan mo ako diyan sa arte mo ha! Hindi nakakatuwa."
[Pasensya na po ha.hindi.ka.po.kasi.sumasagot.sa.mga.tawag.ko.] Alam niyo na this;
"Kawawa naman ang baby ko nagtatampo, bakit hindi ka ba masaya diyaan? 'Di ba nandiyan din naman si Vane?" Pina-ikot ni Rita ang kaniyang dila sa loob ng kaniyang bibig.
[Ayan na naman siya,]
"You started it." Inikot ni Rita ang kaniyang mga mata kahit hindi ito nakikita ni Paeng.
[Mamaya na tayo mag-usap, may trabaho pa ako.]
"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Rita at halos mapudpod na ang screen ng cellphone ni Maika dahil sa ginawa ni Rita.
"Kalma lang po, ma'am. Masama 'yan sa baby mo remember?"
"It's just an acting, Maika" sabi ni Rita at ngumisi.
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomantizmAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...