Kabanata 16
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Busineses, Places and Incidents are either the product of the authors' imagination or used in a fictitious Manner. Any resemblance to an actual person living or dead. The actual event is purely coincidental.
—
Nang makaalis si Paeng ay pumasok na rin si Rita. Wala sa sala ang mga bata maging si Lydia. Naisipan naman niyang pumunta ng study room dahil baka nag-re-review na ang mga iyon para sa pasukan bukas.
Hindi nga siya nagkamali dahil nandito sila.
"Ano'ng ginagawa niyo rito? At saka, nasaan ang nanay niyo?"
"Kasama po ni nanay si mama mo po. Mag-iikot daw po sila ng bahay para makapag-exercise na rin po." Tugon ni Kyla.
"At nandito po kami para mag-review. Kasi po 'di ba pasukan na ulit bukas?" Sabi naman ni Charisse at napatango na lamang si Rita.
Inikot niya ang kaniyang paningin at napagtanto niyang wala si Girlie.
"Si Girlie?"
"Nandito lang 'yon kanina, 'nay, e. Nasan na ba 'yon." Sabi ni Kyla at kumindat sa mga kapatid niya.
"Girlie?" Tawag ni Rita kay Girlie at nagsimulang maglakad-lakad. "Girlie?" Muling sigaw ni Rita.
Nagulat naman siya ng biglang may humila sa jeans niya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Narinig naman niya ang tawanan ng mga bata.
Itinaas niya ang kaniyang kilay at pinag-krus ang braso.
"Sorry po, 'nay." Sabi ni Girlie at yumuko.
Nanlambot naman ang puso ni Rita ng biglang lumapit si Girlie at niyakap siya. Pinantayan naman ni Rita si Girlie at hinawakan ang magkabilang braso.
"Huwag na po kayong magalit." Sabi ni Girlie
"Anak, hindi ako galit. Ayaw ko na ng gano'n. Nakakapagod."
"Mahal po kita, 'nay." Sabi ni Girlie at napangiti naman si Rita.
"Mahal din kita. Mahal kayo ni nanay." Sabi ni Rita at niyakap si Girlie.
"Ay, dapat kasali po kami diyan." Sabi naman ni Kyla at sinenyasan sila ni Rita na lumapit.
Nagyakapan sila at halos hindi makahinga si Rita dahil sa sobrang higpit ng yakap ng mga bata.
"Ang drama niyo!" Sabi ni Rita at pinunasan ang kaniyang luha.
Nagtawanan naman sila Kyla. Napabuntonghininga naman si Rita ng maalala na babalik na pala ng school ang mga bata bukas. Pati na rin si Girlie.
"Gabi-gabi na naman tayo magkikita-kita nito?"
"E may Sabado't Linggo pa naman po, 'nay, e." Sabi ni Kyla.
"E y'ong Sabado't Linggo na 'yon pagtutuunan niyo naman ng pansin y'ong mga assignment niyo."
"Promise, 'nay, hindi pa rin mawawala ang bonding natin. At isasama pa natin si mama Margaret mo po." Sabi ni Kyla at ngumiti sa harapan ni Rita.
"Oo nga po, 'nay. 'Tsaka babawi po ako." Napalingon naman si Rita sa direksyon ni Charisse noong magsalita ito.
"For what?" Rita.
"Kasi po 'di ba po, nagalit po ako sa'yo, inaway po kita-"
"Charisse, you don't have to do that. What's important right now is, you're here with me." Sabi ni Rita at muli siyang naiyak. "Ang drama niyo talaga! Kaalis pa nga lang ng Kiya Paeng niyo e." Dagdag ni Rita.
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomanceAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...