Most impressive rank #reginevelasquez is no. 1 out of 143 stories as of December 01, 2024.
After a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Do...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DISCLAIMER: The following texts did not actually happen or happened in Poor Señorita under GMA Network. I'll just remind you again that this is an imaginary sequel of PS, I made my own concept and added other characters to make this sequel better.
-
Nang nasa baba na si Rita ay may nabangga naman siyang babae. Napatigil si Rita at tinulungan ang matanda na maipon ang mga gamit nito.
Nang pareho silang matauhan ay natigilan naman sila pareho. Mata-sa-mata silang nagtinginan at parehong hindi makapagsalita.
Ayon pa sa pag-aaral, 'Looking into another's eyes-without speaking-is a powerful way to connect and understand yourself.' Parang sa ngayon pa lang ay nakakaramdam na ng lukso ng dugo si Rita.
Lumipas lang ang isang minuto ay napansin ni Rita ang ingay sa paligid niya kaya natuhan siya at 'agad humingi ng paumanhin sa matanda.
"Kilala kita." Sabi ng matanda. "A-ako nga pala si, Marga. Margaret."
"Sorry?" Ito lang ang nasabi ni Rita ng biglang magpakilala ang matanda. "What I mean-I have to go, hinahanap ko kasi ang aking fiance."
"Pwede ba kitang maka-usap? Kanina pa kita hinahanap, nahihiya naman akong mag-tanong sa receptionist ng hotel dahil baka kung ano ang isipin nila. Lalo na't kilala ka rito."
"I am really sorry, but I have to go-"
"Please, Rita?" Pakiusap ng matanda.
Pina-ikot ni Rota ang kaniyang dila sa loob ng bibig. Napahinga naman siya ng malalim ng wala na siyang magagawa kun'di ang pagbigyan ang matanda.
Niyaya ni Rita si Margaret na sa coffee shop sila mag-uusap malapit lang din ito sa hotel.
"Bakit mo po ako kailangangmakausap, ma'am?" Tanong ni Rita noong makaupo na siya pati si Margaret.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
"Hindi, dati ka bang empleyado ng aking pappa?"
Hindi sumagot si Margaret bagkus ay kinuha ang wallet niya at inilabas niya rito ang isang ID at picture. Ibinigay niya ito kay Rita.
Nagaalinlangan namang kunin ni Rita ang mga iyon, ngunit kinuha niya pa rin at unang tiningnan ang ID.
"Villon? Isa kang Villon?" Sabi ni Rita ng mabasa niya ang nakasulat sa ID. "Kapatid ka ni pappa? Pinsan?"