Kabanata 27
Kasalukuyang nasa Baranggay Masagana ngayon si Paeng at kinausap niya na rin y'ong isa sa construction worker na bumuo sa bahay doon sa Cavite. Nagbayad na rin si Paeng sa mga kulang na bayarin niya sa kanila.
"Problema mo?" Tanong ni Edna kay Paeng at napailing naman si Paeng. "Si Rita na naman?"
"Tiyang, walang problema sa asawa ko. Ako ang may problema. Pero sana maintindihan niya kung bakit ko ginagawa ang mga ito. Lahat din naman ng ito ay para sa kaniya."
"Paeng, hindi niya maintindihan at mag-aaway kayo ng mag-aaway kung hindi mo ipapaintindi. Parte pa naman ng marriage ang pagiging tapat sa isa't isa. E kung ganiyan lang kayo lagi, nagtataguan, sana hindi na kayo nagpakasal, 'di ba?" Mahabang sabi ni Edna at napatango naman si Paeng because of realization.
"Pero, tiyang, kapag sinabi ko naman ito sa kaniya hahaba ang diskusyon namin-"
"Oh e kaysa naman hindi kayo magkaintindihan 'no!" Putol ni Edna sa gustong sabihin ni Paeng.
"Tiyang-" Hindi ito natapos ng Paeng dahil biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Wala siyang nagawa kun'di ang sagutin ito. "Nasa Airport ka na?"
Tumaas naman ang kilay ni Edna dahil sa narinig niya mula kay Paeng at nagsimula siyang bumuo ng katanungan.
"Sige, papunta na ako riyan." Sabi pa nito at binaba ang cellphone. "Siya ang problema ko. Ang sarap yakapin sa leeg e hanggang maging kulay violet e-aray ko naman, tiyang!"
"Hindi magandang magsalita ng ganiyan sa kapwa mo tao ha!"
"Pasensiya na. Ito naman hindi mabiro. Pero huwag niya lang talaga hahawakan ang asawa ko kahit sa buhok, makikita talaga niya kung sino ang hinahanap niya." Paeng.
"Napaka-angas!" Asar ni Edna.
Samantala sa village naman, patuloy pa rin ang iyakan sa labas ng bahay ni Rita.
"Nawalan ako ng batang pwede pang magmahal sa'kin dahil sa inyo." Tumingala si Rita upang pigilan ang luha ngunit, hindi niya na napigilan ito. "Tapos pupunta kayo dito na parang wala lang nangyari?!"
"Kalimutan na po natin 'yon, 'nay." Sabi ni Kyla dahilan upang dumampi naman ang palad ni Rita sa pisngi nito.
Is it really easy for them na nawalan ako ng anak?; Rita thought.
"Kalimutan? Sumusobra na kayo. When a parent loses a child, there are no words to describe them. Now, you can't blame me why am I treating you this way." Emosyunal pa rin si Rita ng bitawan ang salitang ito.
"AT HINDI RIN PO MAGIGING MADALI PARA SA AMIN KUNG MAWALAN KAMI NG INA!" Sigaw ni Kyla dahil sa hirap na siyang makumbinsi si Rita na tulungan sila. "Pasensiya na po, ngunit kailangan lang po namin ang tulong mo. Nakiki-usap po ako, kami."
"Nagmakaawa rin naman ako ha, tinulungan niyo ba ako? Hindi 'di ba? Nabingi kayo noong humingi ako ng tulong, now what do you expect me to do? Tulungan kayo?!"
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
Roman d'amourAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...