Ep15: Check Up

243 25 6
                                    

Kabanata 15

Kabanata 15

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Huwag ka munang mag-bu-buntis ha?"

"Dati sabik tapos ngayon biglang huwag muna?" Sabi ni Rita. "Ano ba ang ibig mong sabihin? Ayaw mo ba na magkaroon tayo ng sariling anak?"

"Hindi naman," tugon ni Paeng "Ang akin lang 'wag ka munang mag-bu-buntis kasi walang mag-aalaga sa'yo. Gusto ko nasa tabi mo 'ko at sabay natin palalakihin ang magiging anak natin."

Napatango si Rita at napangiti na lamang ng malaman ang dahilan ni Rita.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumaba na rin sila para i-celebrate ang araw ng pasko. Pinagpahinga naman muna ni Rita ang ina noong matapos itong kumain.

Naging masaya ang kanilang selebrasyon. Gumabi na rin at kinailangan ng umuwi nila Edna kaya nagpaalam na rin sila.

Habang sina Rita at Paeng naman ay nasa kwarto at nakahiga. Kanina pa sila nag-uusap, dahil alam ni Rita na ma-mi-miss niya ang ganitong usapan kapag umalis na si Paeng.

Oo babalik pa naman siya ngunit matatagalan naman. Makakapag-usap na lamang ang dalawa via call.

"You know what, I'll miss your weather-weather lang na ugali." Saad ni Rita.

"Ako rin, sobrang tagal ng apat na buwan, ma-mi-miss ko y'ong pagka-moody mo." Sabi naman ni Paeng. "Isang araw pa lang yata gusto ko ng umuwi e, isang buwan pa kaya?"

Pareho naman silang natawa sa sinabi ni Paeng.

"Bakit ngayon ka pa kasi aalis?"

Hinalikan ni Paeng ang noo ni Rita. "Hindi naman ako ngayon aalis, sa Enero pa."

Napakunot ang noo ni Rita dahil sa pamimilosop ng asawa. "Ayan na naman ang pagka-pilosopo mo, now showing na naman."

"Now showing? Ano 'yon pelikula?" Natatawang tugon ni Paeng at inikot na lang ni Rita ang kaniyang mata.

"Matulog na nga lang tayo—"

"Matulog? Walang tulugan, mahal." Sabi ni Paeng and began to tickle Rita's neck.

Nakikilita naman si Rita kaya natatawa siya at napapahagikhik pa. "May kiliti ako diyan, mahal." Reklamo ni Rita.

Nagpatuloy pa rin naman si Paeng hanggang sa lumalim iyon. An'sabeeee!!!!

Nagising naman si Rita ng marinig ang ingay sa labas. Maliit pa rin ang kaniyang mga mata at parang ayaw niya itong buksan ngunit naupo siya at idinilat pa rin ang mga mata.

The Last Love Adventure of Rita VillonWhere stories live. Discover now