Most impressive rank #reginevelasquez is no. 1 out of 143 stories as of December 01, 2024.
After a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Do...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
One Year Later...
"Oh bakit nandito pa kayo? Magsisimula na y'ong klase niyo."
Ito na lamang ang salitang binitawan ni Rita ng maabutan niya ang kaniyang mga anak-anakan sa sala. Lahat sila ay nakabihis na ang kulang na nga lang ay ang umalis.
"Kyla, ano'ng nangyayari dito ha?" Pag-boses muli ni Rita dahil Wala ni-isa sa mga Bata ang sumagot sa kanya.
Nang makaupo si Rita sa silyon(armchair) na malapit kay Kyla ay huminga ito ng malalim 'tsaka tinaas ang mga kilay at pinag-krus ang braso sa kaniyang dibdib.
"'Nay, ano po kasi e. Ayaw nilangpumasok."
"At bakit naman ha?" Hindi pa man tapos si Kyla sa pagpapaliwanag ay nagsalita na si Rita at nakataas pa rin ang kaniyang mga kilay. "Sinabi ko bang lumiban kayo sa klase Ngayon without any reason?" Tanong muli nito.
Naging tahimik ang lahat sa magkasunod na tanong ni Rita.
"Ano, ako la'ng ba ang may bibig dito?"
Habang umiikot ang segundo at minuto ng orasan ay mas lalong bumibigat ang presyon sa sala.
"Kyla, ikaw ang tatanungin ko dahil Ikaw ang mas matanda sa kanila." Pagsalita muli ni Rita "Ano'ng nangyari dito?"
"Gusto po nila na ihatid sila ni kuya Paeng."
"'Yon lang naman pala e. Alam niyo namang Hindi kayo aayawan ng kuya Paeng niyo 'di ba?"
"'Nay, patapusin niyo po muna ako ha?" Mahinahong wika ni Kyla kay Rita at ginamit niya pa ang kaniyang kamay bilang senyas na kumalma muna.
"Go," Pagsang-ayon ni Rita.
"Ayon na nga po e, hindi po pumayag si kuya Paeng. Imbis na ihatid at batiin niya sila, maging ako ng 'magangdang umaga', galit ang sinalubong niya sa amin." Mahabang paliwanag ni Kyla.
Nanlaki naman sa gulat ang mga mata ni Rita dahil sa kaniyang narinig mula sa labi ni Kyla. Sino ba naman ang hindi magugulat e sobrang bait ni Paeng tapos sisigawan niya ang mga bata ng ganun-ganon lang?
"Alam niyo, pakiramdam ko niloloko niyo ako." Rita said and lifted her chin up."Hindi naman magagalit ang kuya Paeng niyo kung wala kayong ginawa, 'di ba?"
"Wala naman po talaga kaming ginawa ah." May diin na sabi ni Charisse at nakataas pa ang kaniyang kanang kilay.