Kabanata 18
Author's Note: Sorry for the grammatical errors, tao lang 'to. Chereret!
-
Bago umuwi si Rita ay dumaan muna sila sa Pharmacy dahil kanina pa niya iniisip ang mga sinabi ni Maika. At saka, wala namang masama kung magta-try ako siya 'di ba?
Nang makabili ay dumiretso na 'agad sila sa mansion. Nagulat naman si Rita ng makita ang mama niya sa pintuan.
"Nasabi sa'kin ng mga katulong mo na masama raw ang pakiramdam mo? Kaya ito, ito ang gamot mo."
Hindi naman makapagsalita si Rita dahil s agulat. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya magsalita muli.
"Ay, teka nga po. Kumain na po kayo?" Tanong ni Rita.
"Pinakain nila na ako, salamat ha sa pagpapatira mo sa akin dito." Tugon ni Margaret at napangiti naman si Rita.
"Nanay kita e, siyempre. 'Saka, bahay 'to ng pappa, ng asawa mo. Ikaw ang mas may karapatan sa bahay na ito, ma." Sabi ni Rita at iginaya ang ina sa paglalakad.
Ngumiti lang si Margaret dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ni Rita. "Ah, uminom ka ng gamot ha? Pupuntahan ko lang kaibigan ko. Mag-uusap kami."
"Sino po?" Curios na tanong ni Rita.
"Ly-Lydia? Si Lydia. May sasabihin daw siya e." Inosenteng sabi ni Margaret at napatango na lamang si Rita.
Tinawag naman ni Rita si Bubbles para alalayin ang kaniyang ina na tunguhin si Lydia. Pagkatapos ay umakyat na rin siya para masubukan na rin ang pregnancy test na binili niya. Tatlo ang binili niya, kasi para makasiguro.
Nang makapagbihis si Rita ay 'agad naman niyang sinubukan ang pregnancy test. Ginamit niya ang isa at naghintay ng limang minuto 'saka niya ito tiningnan.
Napaikot naman ang kaniyang mga mata dahil negative ito. Muli naman niyang sinubukan ang isa. At muli ay naghintay siya ng limang minuto ngunit, negative pa rin ito.
Nairita na siya at tinapon ang dalawang pregnancy test sa trash bin. Tiningnan niya muna ang isa at nagdadalawang isip kung gagamitin niya ba o hindi. Pero at the end, tinapon niya na lamang ito.
Lumabas na si Rita ng banyo at saka ininom ang gamot na binigay sa kaniya ng kaniyang ina. Nakatulog naman si Rita dahil na rin sa sakit ng ulo.
-
Nagising si Rita at parang walang gana itong makipag-usap sa kahit kanino. Nag-ring ang kaniyang cellphone, nakota niya ang caller ID, si Paeng ito ngunit hindi niya pa rin ito sinagot.
Nag-expect kasi siya at ngayon nasaktan siya. Nag-expect siya na magkakaroon na nga siya ng anak. Don't expect too much.
Nakota niya naman ang fifty five missed calls mula kay Paeng. Nag-text din si Paeng ngunit hindi na ito pinansin ni Rita. Parang pakiramdam niya, nawalan lang siya ng anak.
Dumiretso naman si Rita sa kusina at kumuha ng wine at wine glass. Napansin naman niya ang kaniyang ina at si Lydia na parang nag-e-exercise malapit sa pool.
Lumabas si Rita at tinungo ang dalawa. Naupo si Rita sa lounge.
"Gusto mong mag-exercise?" Tanong ni Margaret sa anak. Umiling lang naman si Rita at ngumiti.
Napansin naman ni Margaret na malungkot si Rita kaya tumigil siya sa kaniyang ginagawa at tinabihan ang anak.
"May masakit pa rin sa'yo?" Tanong nito.
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomanceAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...