Ep8: Without You

305 31 9
                                    

Kabanata 8

Kabanata 8

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yesterday...

"Tiyang, pa'no 'to? Pa'no ako babawi sa kaniya?" Nanghihinang wika ni Paeng. "Hindi na ako pinatulog ng konsensiya ko, tiyang."

"Paeng, malaki ka na. Alam mo na kung ano'ng gagawin mo." Wika ni Edna at tinawanan niya pa si Paeng.

"Tiyang, Paeng, labas muna ako." Paalam ni Jordan.

"Aba, bahala ka na rin sa buhay mo." Sabi ni Edna at umupo. Dumiretso naman palabas si Jordan "At ikaw, Paeng. Umayos ka nga. Ayusin mo na rin 'yang sarili mo."

"Naparito ka, Rita?" Boses ni Jordan mula sa labas at nadinig naman nito nina Edna at Paeng.

Biglang nag-panic si Paeng kaya napatayo siya. "Tiyang, itago mo 'ko."

"Ano?!"

"Itago mo ako. Wala pa akong mukhang maihaharap sa kaniya." Ito ang huling sinabi ni Paeng bago sumenyas si Edna na magtago.

Nang makapasok si Rita ay pinaupo siya ni Edna at saka naman sila nag-usap. Ang hindi alam ni Rita ay nariyan lang si Paeng sa loob at nakikinig sa kanilang usapan.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ipapaubaya ko na lang ang lahat sa diyos." Ito ang huling sinabi ni Rita at nagpa-alam kay Edna.

Ngunit bago pa man siya makalabas ng pintuan ay tinawag siya muli ni Edna at pinaupo pabalik.

"Maupo ka muna, Rita. May importanteng bagay lang akong lilinawin sa iyo." Aniya at pasimpleng tiningnan si Paeng.

Naupo naman si Rita at napabuntonghininga. "Ano ang bagay na-gusto mong linawin?"

"Y'ong tungkol sa inyo ni Paeng. May gusto akong sabihin tungkol sa inyo."

"Ayaw ko ng pag-usapan 'yan-"

"Rita, hindi mo kailangang magkunwari. Hindi niyo kailangang magkunwari sa isa't isa. Ikaw mismo sa sarili mo, alam mo na hindi mo siya kayang iwan ng gan'on lang. Gan'on din si Paeng-"

"Alam ko naman na kakampihan mo siya dahil kayo ay mag-tiyahing. Ayaw ko ng pagtalunan 'to." Sabi ni Rita tatayo na sana siya ng pigilan siya ni Edna.

"Hindi ko siya kinakampihan, Rita. Sa totoo lang, mas gusto kita kaysa sa kaniya." Sabi ni Edna, binigyan naman siya ni Rita ng nagtatakang tingin. "Ang ibig kong sabihin e, mas kinakampihan kita kaysa sa kaniya." Aniya at muling sinilip si Paeng.

The Last Love Adventure of Rita VillonWhere stories live. Discover now