Kabanata 26
Nang makauwi si Paeng ay nagpasalamat siya at tulog na ang asawa. Ang totoo niyan, iyon ay akala niya lamang dahil halos lahat ng ilaw ay patay na.
Nang makapasok siya ng bahay ay 'agad naman bumukas ang ilaw sa living room at naagawa rito ang atensyon ni Paeng. Nakaupo si Rita sa isang sofa at malalim ang mga matang nakatingin sa kaniyang asawang si Paeng.
"Kailan ka ulit uuwi ng ganitong oras?" Malamig ang boses ni Rita at saka siya tumayo. "Sabihin mo at ng hindi na ako maghintay pa sa'yo."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Ano ba!" Biglang tumaas ang boses ni Rita at naglakad palapit sa asawa. "Hindi ka ba nakakaintindi?!"
"Huminahon ka, Rita-" Natigil si Paeng ng bigla siyang kapkapin ni Rita. "Ano'ng ginagawa mo?"
Nakuha ni Rita ang cellphone ni Paeng. Binuksan niya ito at pinakita kay Paeng ang missed calls na ginawa ni Rita. Nainis si Rita kaya hinagis niya ang cellphone ni Paeng sa harapan nito.
"Ilang missed calls ba ang gusto mo para sagutin mo ang mga tawag ko?!"
"Rita, huminahon ka muna-"
"Pagod ako, Paeng. Pag-uwi ko rito, unang ginawa ko ay magluto para sa hapunan natin, pero, wala. Nasayang na naman. Sinasayang mo ang oras ko, ang efforts ko para lang maging okay ulit ang relationship natin. What's wrong with you?!"
"Kaya nga e, alam kong pagod ka na, kaya ayaw ko na gumawa ka pa ng kung anu-ano. Ang gusto ko, isipin mo muna ang sarili mo bago ako, kasi mahal kita, Rita."
"Ang hirap ng paniwalaan ang salitang mahal mula sa iyo, Paeng." Rita bowed her head and cried.
"Bakit?"
"Bukod sa bahay na pinagawa mo sa Cavite, ano'ng sekreto pa ang tinatago mo? May kailangan pa ba akong malaman?"
"Anong bahay?" Sabi ni Paeng at kinabahan ito bigla ng marinig ang binitawang salita ni Rita kanina.
Naglakad si Rita pabalik ng living room at kinuha ang kontrata ng bahay. Inihagis niya naman ito sa harapan ni Paeng.
"Huwag ka ng mag-maang-maangan, please. Hindi ka pa ba pagod?"
"Rita, wala itong bahay. Hindi ako ito. Baka scammer iyon-"
"Scammer?! Scammer na tinawagan ang tiyang mo at ipinasa naman sa akin?!" Rita.
"Mamaya na tayo mag-usap kapag kalmado ka na. Maliligo muna ako." Sabi ni Paeng at nilapitan si Rita 'saka niyakap. "Palagi mo lang tatandaan, nandito ako. Mahal kita, Rita."
Natigil si Rita ng maamoy ang pabangong nasa damit ni Paeng. Pamilyar iyon sa kaniya. Kumawala si Paeng sa yakap at dumiretso sa kanilang silid. Sumunod naman si Rita ngunit humiga lamang siya sa kama ng mapansin wala ang asawa rito.
Nasa banyo kasi si Paeng, naliligo. Naka-idlip si Rita ngunit nagising naman noong marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Narinig din naman ni Rita ang pagtunog ng cellphone ni Paeng.
Sinagot iyon ni Paeng at lumayo ng kaunti sa asawa. Nag-uusap ang dalawa at nakikinig lang si Rita s ausapan ng dalawa. Ngunit hindi niya alam kung sino ang kausap nito.
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomanceAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...