Kabanata 12
Kinabukasan, araw na ngayon ng kasal nina Paeng at Rita. Kasama nagyon ni Rita sa kwarto sila Deborah, Piper, Edna, at si Margaret.
"Grabe itong pasabog mo, Rita, ha. Actually, hindi talaga ako naniwala noong sinabi mo iyon kaninang madaling araw. Kala ko nagbibiro ka lang." Sabi ni Deborah at lahat sila ay nakatingin sa direksyon ni Margaret na nanonood ng TV.
"Alam mo, Deborah, siguro huwag na muna nating pag-usapan si Margaret. Ang isipin muna natin ngayon e, kung paano natin mairaraos ang kasal." Si Edna.
"Oo nga, mommy. Mukha kasing malungkot si Ate Rita oh." Si Piper.
"Oh siya, ano pa nga ba—"
"Gusto ko siya y'ong maghatid sa akin sa papunta kay Paeng." Nabigla naman ang tatlo dahil sa biglang pagsalita ni Rita.
Pagkatapos ay tumayo si Rita at nilapitan ang ina 'saka umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at pinakita ang larawan na kinunan ni Edna kahapon.
"Ito po kayo, at ito naman ako. Si Rita Villon, Margarita Villon."
Ilang ulit pang binanggit iyon ni Rita. Tumigil lamang siya ng magsalita si Margaret.
"Rita? May anak ako, si Rita. Baby pa siya. May picture ako." Putol-putol na sabi ni Marga at 'agad na hinanap ang picture na pinakita niya kay Rita kahapon. "Ito oh."
Tumango si Rita at kinuha iyon. Kinumpara niya ang dalawang litrato at muling ipinakilala ang sarili sa ina.
"Ito pong batang ito," turo ni Rita sa larawan na galing sa ina "...at itong katabi niyo sa picture naman na ito, ay ako. Iisa lang po sila. Ako po si Rita Villon, unica hija ni late Señor Daniel Villon. Y'ong asawa niyo?" Hindi napigilan ni Rita ang kaniyang mga luha at tumulo na nga ito.
Niyakap ni Rita si Marga at napatango na lamang si Marga. Sinabi rin ni Rita kay Marga na siya ang maghahatid sa kaniya patungo sa kaniyang mapapangasawa.
—
Ilang oras ang lumipas at kailangan na nilang maghanda. Habang nag-me-make-up si Rita ay bigla namang nag-ring ang kaniyang cellphone.
"Paeng?"
[Oh, bakit parang ang lungkot mo naman?] Rita sighed at dinig iyon ni Paeng sa kabilang linya. [Maging ako rin namna ay nalulungkot dahil sa biglaang pangyayaring ito—]
"Kung pwede lang sanang mag-back-out ngayon, gagawin ko e. Because, it's too complicated. Pero hindi ko naman magawa iyon sa'yo, Paeng. I've waited for this, hindi ko kayang iurong ito." Biglang pagsabi ni Rita at saka lang naman siya natauhan. "I'm sorry if I said that. Pagod lang ako."
[Naiintindihan kita, mahal. Hayaan mo, kapagmatapos na ang araw na ito, tutulungan naman kitang alagaan ang mama mo.]
"Thank you, oh sige na. Tapos na rin ako mag-make-up, I need to change na. See you at the venue."
[See you, mahal.] There is a sweetness in his tone.
—
Nagsidating na ang mga bisita at nagsimula na rin ang processional. Habang si Rita naman ay nasa loob ng sasakyan at nagpapahangin na muna.
Ilang minuto pa ay ito na ang oras para naman sa moment ni Rita. Lumabas siya ng sasakyan at inayos naman ang kaniyang gown at belo.
Habang naglakakad si Rita sa aisle ay kasabay naman nito ang pagtugtog ng musika. Nang nasa kalagitnaan na ng kanta ay hindi mapigilang kumanta ni Rita at naiiyak din siya habang tinitingnan si Paeng sa harapan.
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomanceAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...