Kabanata 3
A while ago...
"Pumasok na kayo do'n, susunduin ko muna 'nay Rita niyo." Wika ni Paeng habang ginagabayan ang mga bata papasok ng bahay.
"Ingat po kayo, Kuya Paeng!" Wika naman ni Charisse.
"Balik niyo na po 'yan ha?" Masayang sabi naman ni Girlie at tinuro ang isang napakahalagang bagay sa dalawa.
"Oo naman, Girlie. Ako pa?!" Masayang tugon naman ni Paeng at tuluyan ng nagpa-alam sa mga bata.
Umabot ng kalahating oras sa biyahe si Paeng patungo sa Señorita Scents pero nakarating din naman siya at maiging naghihintay kay Rita.
Napansin niya rin ang mamahaling kotseng pumarada. Pero Hindi niya ito gaanong binigyan ng atensyon.
Lumipas pa ang ilang minuto, nakita ni Paeng ang paglabas ni Rita ganoon din ng lalakeng nakasuot ng formal attire. Bubuksan na sana ni Paeng ang pinto ng kotse nang makita niyang lumapit si Rita sa lalakeng iyon na nakilala ni Paeng, si Jaime Ang kasama ni Rita.
Nahampas niya ang manibela ng kotse kaya humarurot ito. Napalingon naman Sina Jaime at Rita sa direksyon ni Paeng, ngunit hindi nila alam na si Paeng ang nasa kotse.
"Kuya Paeng, si 'nay Rita po?" Tanong ni Girlie."Change of plan." Walang emosyong wika ni Paeng. Nagtaka naman ang mga bata dahil sa biglang pagbago ni Paeng ng plano.
Makalipas pa ang ilang minuto, lahat sila ay nasa sala hinihintay ang pagdating ni Rita. Bigla na la'ng bumuhos ang ulan.
"Alam niyo na kung ano ang plano ha? Wala munang sasagot. Sigurado naman akong ihahatid siya ni Jaime dito."
"Opo,"
Ngunit ilang beses ng nag-ring ang cellphone hindi pa rin nila ito sinagot. Hanggang sa makita ni Girlie na sobra-sobra na Ang tawag mula sa kaniyang 'nay Rita, nabahala na siya.
Nang narinig ni Paeng si Rita ay bumalik siya sa pagka-upo at huminahon na parang walang nangyari.Nang makapasok si Rita ay nadatnan niya ang mga bata sa sala at ang tatlo ang nagpapahid ng sarili nilang mga luha.
"'Nay?"
Pinandilatan lang sila ni Rita ng mata at saka dumiretso na ito sa taas.
"'Nay?'Nay?'Nay?'NAY!" Aniya habang hawak ang doorknob ng pinto sa kanilang kwarto. Nagulat naman ang mga bata sa baba.
One hour later...Nang makalabas si Rita ng kwarto ay kaagad siyang dumiretso sa baba kung nasaan ang kusina. Nakita naman siya ni Lydia na pumasok.
"Nakauwi ka na pala, Rita. Gusto mo na bang maghapunan?"
"I'm okay, busog ako, Lydiq." Tugon ni Rita at ngumiti ito kay Lydia. Lumapit si Rita kung nasaan si Lydia.
"May problema ba, Rita?" Tanong ni Lydia.
"Lydia, I'm sorry kung nagtatanim ako ng galit ngayon kay Charisse ha. Feeling ko kasi, lumalayo na naman siya sa akin e."
"Hay naku! Gan'on talaga ang batang iyon. Minsan nga ganitan din siya sa akin e. Pasensiya ka na, Rita. Hayaan mo kakausapin ko sila." Tugon naman ni Lydia at hinagod ang likuran ni Rita. "May problema ka pa ba?"
YOU ARE READING
The Last Love Adventure of Rita Villon
RomansaAfter a years later, Rita Villon (Regine Velasquez) a CEO suddenly faced struggles that will test her patience, resilience, and love for Rafael Castillo (Mikael Daez). Does happily ever after really exist? Here is the Imaginary Sequel of Poor Señori...