Ep24: Missing Piece

220 22 9
                                    

Kabanata 24

-


"Girlie, bakit hindi ka pa sumabay sa'min kumain, alas diyes na ng umaga oh. Nako! Kung nasa mansyon ka lang ni 'nay Rita baka napagalitan ka na niya ngayon." Sabi ni Kyla kay Girlie at umupo ito sa kanyang tabi.

"Sige na..kain ka muna baka magkasakit ka niyan." The voice of Rita played on Girlie's mind.

"Namimiss ko na po siya." tugon ni Girlie habang nakatingin sa kawalan, napabuntong hininga naman si Kyla "Ano kaya 'yung dahilan bakit siya humingi ng tulong sa'tin?"

"Naki, Girlie, baka palusot lang 'yon ni 'nay Rita para 'di tayo umalis, kilala mo naman si 'nay Rita 'di ba?"

"Ano po ba si 'nay Rita?" Nilingon niya si Kyla.

"Matalino si 'nay Rita, maparaan at kaya niyang linlangin ang mga tao sa paligid niya kahit pa ang mga kalaban niya." Tugon ni Kyla.

"Ang ibig niyo po bang sabihin, niloloko lang tayo ni 'nay Rita nu'ng humingi siya ng tulong?" Naguguluhang tanong ni Girlie.

"Pwedeng oo pero,hindi pa tayo sigurado kaya kumain ka muna ha?" Natatawang sabi ni Kyla at tumango si Girlie.

"Pwede po ba natin siyang bisitahin?" Tumayo siya. "Miss ko na po y'ong mga yakap niya sa'kin bawat umaga,y'ong mga halik niya at cute niyang boses sa t'wing tinatawag niya ang pangalan ko."

Huminga ng malalim si Kyla. "Hindi pwede Girlie e, may sakit si nanay 'di ba? Bawal natin siyang iwan dito." Tugon ni Kyla.

"Sige na po, Ate Kyla. Humingi na lang po tayo ng tulong sa kanya sigurado po ako tutulungan niya tayo." Pagmamakaawa ni Girlie sa kanyang Ate Kyla.

"Girlie-"

"Please po, gusto ko na siyang makita."

"Hay! Sige na nga." Pagpayag ni Kyla at napangiti naman si Girlie dahil sa kanyang narinig.

"Thank you po, kakain na po ako." Nakangiting sabi ni Girlie at agad nagtungo ng mesa para kumain.

"Hindi ko alam kung anong klaseng Rita ang makakaharap namin 'nay pagkatapos namin magpasyang umalis ng mansyon niya." Sabi ni Kyla sa nanay niyang nakahiga.

"Mabait si Rita." Tugon ng nanay niya at tumango naman si Kyla.

-

THREE DAY'S AFTER...

"Girlie, halika na pupuntahan na natin si 'nay Rita." Sigaw ni Kyla

Tumakbo naman palabas si Girlie suot ang damit na binili ni Rita sa kanya dati.

"Ito na po Ate Kyla." Tugon ni Girlie

"Wow,ang ganda-ganda mo diyan, Girlie. Iyan ba y'ong binili ni 'nay Rita para sa'yo?" Sabi ni Kyla at tumango naman si Girlie.

"Hindi po ba natin isasama sila Ate Charisse?" Tanong ni Girlie.

"Busy kasi si Ate Charisse mo e, nagtuturo siya sa mga bata." Tugon ni Kyla.

The Last Love Adventure of Rita VillonWhere stories live. Discover now