Ep25: House in Cavite

156 23 6
                                    

Kabanata 25

Alas otso na ng gabi at katatapos lang din ni Rita sa mga office work niya. Tinawag niya naman si Bubbles para itanong kung nakauwi na ang asawa, at sinabi nitong hindi pa ito umuwi.

Kinuha ni Rita ang kaniyang cellphone at dinial ang number ng asawa. Isang beses niya lang itong tinawagan, noong hindi ito sumagot ay binaba na 'agad niya ito.

Sinandal ni Rita ang sarili sa kaniyang swivel chair at ipinikit ang knaiyang mga mata. The moment she closed her eyes, 'agad namang na-picture rito ang imahe ng isang bata. Binuksan niya ang kaniyang mga mata inayos ang sarili.

Rita wondered who was that child na nakita niya sa sa vision niya. Na-weirduhan siya sa kaniyang sarili at muling sumadal sa kaniyang swivel chair.

Narinig niya naman ang katok mula sa labas ng opisina, pinapasok niya ito at si Blossom ang sumalubong sa kaniya. Inayos ni Rita ang kaniyang sarili at nagsalita namna si Blossom.

"Nakalimutan ko pong sabihin ito sa'yo kanina, señorita. Pumunta po rito sila Kyla kanina noong umalis kayo." Dire-diretsong sabi ni Blossom.

Tumaas ang kanang kilay ni Rita at inikot ang mga mata. "Huwag ka ng magbabanggit tungkol sa kanila ha? Hayaan mo sila, and sabihin mo sa security na hindi ko na i-allowed ang mga batang iyon na bumisita rito. Tapos na ako sa kanila."

Hindi makapagsalita si Blossom dahil naaawa siya sa mga bata. Sobrang galit ang nararamdaman ng kaniyang amo sa mga bata.

"Blossom? You got it, right?"

"Opo, senyora."

"Oh sige na, matulog na kayo. Huwag niyo ng hinatayin ang lalakeng iyon, hindi na iyon uuwi." Sabi ni Rita at sinunod naman 'agad iyon ni Blossom.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?" Naiiritang boses ni Paeng na nagpa-gising naman kay Rita mula sa pagkatulog.

'Agad napansin ni Rita ang oras, past twelve midnight na at nakatulog siya sa kwartong ito. Napansin niyang bukas ang pintuan kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad.

Habang papalapit siya sa pinto ay naaninag niya ang anino ni Paeng.

"Hindi nga pwede. Ba't ba gustong-gusto mong gawin ko iyon?" Naiirita pa rin at may katuturan ang winikang ito ni Paeng. May kausap kasi siya sa kaniyang cellphone.

Tumaas ang kilay ni Rita at tuluyang lumabas ng opisina ng marinig ang boses ng asawa. Umubo si Rita ng peke at tiningnan ng masama si Paeng. Ngumiti si Paeng ngunit 'agad iyong napawi.

"Sino'ng kausap mo?" Rita asked her husband.

"Nako! Wala, mahal. Wala."

Nilatag ni Rita ang kaniyang palad. "Give me your phone."

Binulsa ni Paeng ang kaniyang cellphone at umiling. "Wala iyon, mahal."

"Ibibigay mo o kukunin ko?" Kalmado ang boses ni Rita ng sabihin ito.

"Rita naman—"

"Fine! Just tell me na lang kung sino ang kausap mo. Hindi na siguro magirap iyon para sa'yo 'di ba?" Nag-init ang ulo ni Rita ng tawagin siya ni Paeng sa pangalan nito.

"Si Maika 'yon. May plano kaming welcome party sa'yo e pero, wala na. Pinilit mo 'ko e." Tugon ni Paeng sa asawa. Ang kaniyang mukha ay parang takot na takot.

The Last Love Adventure of Rita VillonWhere stories live. Discover now