Kabanata 27End
Gusto kong sumigaw sa frustrasyon!
Ghad, Trivina! Padalos dalos ka na naman. What now? Hindi mo na pwedeng bawiin 'yon. You can't take your 'yes' back.
"Bakit ko ba kasi sinabi 'yon?" halos ngumawa ako sa kaibigan na kanina pa ako inaalu mula sa kabilang linya.
Hindi ko alam ang nangyari. Kung nadala lang ba ako ng bugso ng damdamin, o masyado akong naging kampante, hindi ko alam. Baka masyado akong nadala sa date namin.
"It's okay, Triv. Wala naman akong nakikitang mali kung makikilala mo ang pamilya ni Malcom. Let's say it's gonna be tough and intimidating but you're a Zalderial now. Meeting your husband's family is inevitable."
Mas gusto ko tuloy maiyak.
"Iyon na nga. Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan ang pamilya niya. Especially Hodavia Zalderial. You know what happened years ago."
Sinipat ko ang stage. Buo na ang The Clarion. Pagdating namin ni Malcom, nandito na sila Aki at Chiko. Minutes after, Rayo arrived. Ngayon, nagseset up na sila ng instruments.
"So? What happened years ago was between Hodavia and your Mamita. Hindi ka kasali ro'n. Besides, you're already married to his grandson. Wala na siyang magagawa dahil kasal na kayo," balik ni Vivian sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Ipinagpasalamat ko ang pwesto ko rito sa medjo tagong parte ng lugar at hindi gaanong naabot ng mga tao. Despite the distance, I can still clearly see the band. Higit sa lahat, si Malcom.
"Dimitrivina, just focus on Malcom. You said he was hopeful and happy when you said yes, right? Tingin ko'y 'yon naman ang importante."
Nasa tawag pa rin ako habang sinusundan ng tingin si Malcom. They are done setting up their instruments. Bumaba siya mula sa stage dala ang paper bag na bigay ko sa kanya. Then he vanished to their waiting room, probably to change. Unti unti nang nagsisidatingan ang mga tao kaya medjo crowded na ang lugar kahit hindi pa naman nagsisimula ang The Clarion.
"I don't know, Vian. I really don't know," I sighed. Bahala na. I won't take my yes back. Nakapagbitaw na ako ng salita. Saka ko nalang iyon poproblemahin kapag nasa sitwasyon na ako."
Vivian sighed. "Mabuti naman. Huwag mo munang isipin 'yan. Tutugtog ang The Clarion, iyan nalang muna ang intindihin mo."
"They are still preparing."
Bumaba ang tingin ko sa inumin kong hindi pa nababawasan. I grazed my index finger on the glass' rim to play with my glass.
"Bago ko makalimutan, how's the date? Mas inuna mo pang ikwento sa'kin ang tungkol sa pagpayag mo na makilala ang mga Zalderial kesa sa date ninyo! Come on! What happened?"
I bit my lower lip to stifle a smile.
"Kumain kami sa restaurant ng Mama niya."
"Yes, and?" Vivian probed impatiently.
Inayos ko muna ang cellphone sa tenga ko bago nagpatuloy.
"He gave me flowers. Gawa pa iyon ni Ariadne Fidallego. Then... we took a night walk around his mother's restaurant. Maganda ang lugar. May malapit na night garden kaya pinuntahan namin. Magkahawak kamay. There was time constraint so we were only allowed to eat and visit the nearby garden. Iyon lang."
Pinag-isa ko na ang mga labi nang nangingiti na talaga ako na parang tanga.
"Iyon lang? Pero ramdam na ramdam ko hanggang dito 'yong saya mo? Ikaw, Trivina, ah!" pang-aasar niyang sinundan ng tawa.