Kabanata 26

38 3 1
                                    


Kabanata 26

Date









Marami kaming napag-usapan ni Malcom. Halos lahat ay tungkol sa magiging dynamic ng relasyon namin at kung ano ang routine ng aming pagsasama. I also opened up about my plan on establishing my own career.

"Kahit anong gusto mo, susuportahan ko," aniya.

Pinagmasdan ko siya nang napansin kong may gusto pa siyang sabihin.

"Pero pwede bang saka na pagkalipas lang ng kahit isang buwan? Gusto ko sanang magpahinga ka na muna. Your transition from your marriage with Pavino to ours was not easy. And the turn of events may have surprised you. I want you to fully adjust and recover before you commence something."

Saka ko lang napagtanto ang iilang bagay. He's right. How things turned out really surprised me. Nagulantang ako. At hindi pa man nakakabawi mula sa lahat, pumasok na agad ako sa isa pang kasal.

I needed time to understand things. I needed explanations from people who got me involved into this. Ang bilis lang ng mga pangyayari. Para bang nalaman ko lang ang lahat tungkol kay Pavino kahapon, nahanap ko nalang ang sarili na ikinakasal kay Malcom ngayon.

Iyon lang ang naaalala ko. I forgot about the process. I didn't even quite understand how things flowed differently. Kailangan ko nga talaga ng panahon para makabawi.

Sa huli, sumang-ayon ako kay Malcom. Hindi na rin naman ako nag-alala dahil sinigurado niya naman na nasa akin pa rin ang desisyon kung magtatrabaho ba ako o hindi. He doesn't refute to my own decisions, and that's good.

"Hi, Malcom! Ang best friend ko?"

Sinabit ko na sa tenga ang huling hikaw nang narinig ang boses ni Vivian sa may tanggapan. Huling sulyap pa sa salamin at lumabas na ako ng kwarto.

Nag-uusap sila Malcom at Vivian nang naabutan ko. Si Malcom ang unang nakapansin sa paglapit ko habang si Vivian naman ang unang bumati.

"You look so ready, huh?" she smirked and scanned me whole.

"Stop it, Vian."

Nakabalik na kami ng Solarez. Tumulak kami pabalik ng lungsod noong isang araw. At dahil nandito na ako, for sure there will be lots of girl dates with Vivian!

And since Malcom suggested that I take a break, ang paggala nalang muna ang aatupagin ko habang nasa trabaho siya.

Lumapit si Malcom sa akin.

"I know you missed Solarez. Mag-enjoy kayo ni Vivian sa lakad ninyo," aniya at may kung anong nilagay sa bag ko.

"What's that?" I asked.

Sinubukan ko pang silipin 'yon kaso nasa ilalim na kaya kailangan ko pang kalkalin kung sakali.

"It's nothing. Feel free to use it. It's yours."

Lumagpas ang tingin ko sa kaibigan nang nahimigan kong suminghap sa gulat. Nabalik nga lang din ang tingin ko kay Malcom nang nagsalita ulit siya.

"Tutugtog ang banda mamaya," mahina ang boses niya at parang nahihiya pa.

I nodded. "What time? And where?"

"9 PM, Altamonte."

"Manunuod ako. Isasama ko si Vivian kung papayagan ng asawa. Pero sigurado akong pupunta ako."

He smiled. "Text me your address. Susunduin kita."

Tumango ako.

"Didiretso ka na ba pagkatapos ng trabaho o..."

Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)Where stories live. Discover now