Kabanata 24Consummated
"Kailan tayo babalik ng Solarez?"
Tanong ko kahit medjo masakit sa pride. Naisip ko, kung gusto naming pangatawanan ang kasal na 'to, then might as well be just civil.
"Next week. Okay lang ba sa'yo?"
Good thing that Malcom is also acting civil. See? He is cooperating!
"Wala akong naiwang buhay sa lungsod. I'm sure ikaw meron. You're a busy man and that you have a lot of things to tend. Not to mention your band's gigs. Paano 'yon?"
Hindi ako sanay. My marriage with Pavino wasn't like this. Kung may nakasanayan man ako sa pagsasama namin ni Pavino, iyon ay ang hindi namin madalas na pagkikita. We were just married but not a couple. Ganito rin ang set up namin ni Malcom ngayon kaya hindi ko maintindihan kung bakit sabay kaming nag-aagahan ngayon. Hindi ako sanay na ganito.
I am used to spending my day alone like a single lady and not to having meals together with my husband.
"Hindi problema ang banda. Dumalo ang tatlo sa kasal natin at alam nilang dito muna ako kasama mo," he assured me.
I almost sneered. Ibinaba ko ang baso ng tubig sa mesa bago sinalubong ang tingin niya.
"Para saan? Oh, are we having our honeymoon?" I chuckled softly and briefly.
"This isn't a real relationship so I don't think we have to spare a few days for that. Sa katunayan, inaasahan kong sasama ka sa kanila pabalik ng Solarez. Nagulat ako na nandito ka pa rin."
"Dito ako sa'yo," aniya.
"How about work? Sinong tatao sa posisyon mo pansamantala?"
Malcom remained calm.
"Si Cozen. Napag-usapan na namin ang tungkol dito. He'll assume the post for the time being. Hanggang sa makabalik na tayo sa lungsod."
Ngumuso ako. "Naisip ko rin na posibleng si Cozen ang kasama ko dahil busy kang tao. I wonder why there's this sudden shift in responsibilities. Dapat si Cozen ang kasama ko ngayon."
Muntik akong mapaismid nang nahimigan ang pait sa sariling boses. Malcom slowed down on his movement. Tumitig sa akin na para bang may kinokompirma o ano.
"Why? Were you married to my cousin? Sa naaalala ko, ako ang humalik sa'yo kahapon, hindi si Cozen. Ako ang nangako. Ako ang nagsuot ng singsing sa'yo."
Kung saktong umiinom ako ng tubig habang sinasabi niya 'yon, baka naibuga ko na ang iniinom ko! The nerve of him to spit that out right in my face?
"Oh, so you remember. Kaya ba naoobliga kang samahan ako dito? You're acting like my husband because you promised things in front of the divine and you can't afford to break that," I sounded taunting.
Tuluyan nang iniwan ni Malcom ang kinakain para ituon ang buong atensyon sa akin. I did the same. Nagkatitigan kami.
"Acting like your husband? Hindi ba't asawa mo naman talaga ako?"
"Pero hindi naman kailangan na nandoon ka sa kung nasaan ako. Pavino wasn't like that during our marriage. May kanya kanya kaming buhay. And that makes sense considering that we were just married for convenience."
He sighed. "Hindi ako si Pavino. I have my own ways in dealing and handling things. And this is not your marriage with him. This is our marriage."
Ako naman ang bumuntonghininga.
"And you're saying that this is how you're going to deal with this? Is this how you handle me?"
Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang ilang reyalisasyon. Tama nga naman. Pavino and Malcom are different. Lunamovases uphold different principles and sentiments, the same goes with the Zalderials. Siguro, iba ang sentimyento ni Malcom sa bagay na ito. Iba ang pagpapahalaga niya sa kasal. Sa asawa. Sa pagbuo ng sariling pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/275277459-288-k698503.jpg)
YOU ARE READING
Ending the Heart's Rebellion (Amor Fortis 1)
RomansaDimitrivina Solasta Piamonte doesn't force. Everything she has, she deserves it. Ito ata ang katotohanang hindi matanggap ng mga galit sa kanya. Ang katotohanang ikinaiinggit ng karamihan tungkol sa kanya. Their hate is nothing compare to her rage...