Kabanata 2
NAGING TAMPULAN NG INGGIT si Zero ng kaniyang mga kakaklase sa pagiging sobrang malapit niya sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ama.
Kinaiingitan siya ng mga kaklase, sukat ba naman na lagi siyang hatid sundo ng kaniyang ama. Kahit nga may sarili siyang driver ay mukhang wala naman ding pakinabanga ito dahil sa sigasig ng kaniyang amang ihatid at sunduin siya sa kaniyang pagpasok.
"My son, are you hungry? Do you want to eat something?" tanong ng kaniyang ama habang hawak-hawak nito ang kaniyang kamay, inaalalayan sa paglakad palabas ng kaniyang eskwelahan.
Tumingala siya upang maabot ng kaniyang tingin ang mukha ng ama. "Yeah, dad. I'm hungry, and i want to eat my favorite cooked food of yours." nanlalaway na pagbanggit niya sa pangalan ng pangkaing paboritong lutuin ng kaniyang ama para sa kaniya.
Ngumiti ang amang si Zach ng mabatid niya ang gustong kainin ng anak niya. Mukhang kailangan niya itong pagsilbihan ngayong hapon at ipagluto ang pagkaing paborito nito na naging paborito na rin niyang lutuin.
"You mean...?"
"Waffle topped with hot chocolate." sabay banggit ng mag-ama at nag-tawanan na lang ang huli.
Bitbit ni Zach ang dalang bag ng anak, patungo sa pinagparadahan niya ng sasakyan.
"Zero..." tawag kay Zero ng kaibigan nitong si Tyson.
Simula ng mga araw, linggo, at buwang lumipas, si Tyson na ang naging kaibigan ni Zero. Masarap kausap at palatawa ang kaibigan, kaya mas lalong napalapit siya dito at inaring kaibigan.
Tumigil si Zero sa paglalakad dahilan para matigilan din ang kaniyang ama. Hinarap niya ang si Tyson.
"Aalis kana?" tanong nito sa kaniya.
"Oo eh. Sunusundo na ako ni Daddy." aniya na tinuturo pa ang kaniyang ama na nakangiting nakikinig lang sa kanilang dalawa.
"Hello po. My name is Tyson po." pagpapakilala ni Tyson sa ama ni Zero.
Ngumiti naman ang amang si Zach at ginulo ang buhok ng kaibigan ng kaniyang anak. "i'm Zach, Zero's father." anang ama.
"Ano nga pala ang pinunta mo? Bakit mo'ko tinawag?" tanong ni Zero kapag-kuwan.
"Wala na," anang batang si Tyson. "saka kona lang sabihin sa'yo bukas, aalis na kayo ng daddy mo e."
Napatango-tango na lang si Zero at nagpaalam na sa kaniyang kaibigan. Maging ang kaniyang ama ay ganun din ang ginawa. Nagpaalam din ito sa kaibigan niya.
Sakay ng kotse pabalik sa kanilang tahanan. Nagmamaneho ang kaniyang amang si Zach habang siya naman ay pinagmamasdan ang mga nadadaanan.
"How's your day?" tanong nito kapag-kuwan.
Nilingon niya ang kaniyang ama at matamis siyang ngumiti. "It's good dad, i met a lot of friends. I'm so happy." sagot naman niya.
"That's good son," ginulo ng kaniya ang ama ang kaniyang buhok. "Pawisan kana."
Kumuha ng towel ang ama niya at pinunasan nito ang kaniyang noo, napapangiti siya sa pinapakitang pag-aaruga ng ama. Hanggang ngayon hindi parin kumukupas.
"Who's that Tyson again? Your friend?" curious na sambit ng ama.
"Yes, dad." sagot naman niya.
"Alam mo naman ang lagi kong paalala sa'yo 'di ba? Masayang makipag-kaibigan. But always remember to chose friends with good intentions." paalala pa nito sa kaniya.
Tumango-tango naman siya. "I know dad, and Tyson is a good friend of mine. Rest assured."
Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating din silang dalawa ng kaniyang ama sa kanilang tahanan. Sabay silang lumabas ng kotse matapos nitong maiparada ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
RomanceLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.