Kabanata 20
MAAGA PALANG AY nag-uwian na ngunit sa mga panahong iyon ay 'di nasisiyahan si Zero. Pa'no ba naman, makakasama na naman niya ang kaniyang ama. 'Di ba nga iniiwasan niya ito... Iniiwasan niya hanggang sa tuluyan ng mawala ang nararamdaman niya para dito.
Nasa swing siya ng mga araw na 'yon ayaw pa niyang umuwi.. gusto muna niyang magpalipas ng oras dito.
Maya-maya, sa kaniyang malalim na pagmumuni-muni. Napukaw ang kaniyang atensyon ng may magsalita sa kaniyang bandang gilid.
"Hindi mo man lang sinabi na dito ka pala pupunta. Sana na samahan kita." anang baritonong boses sa tungtong ng pagiging binatilyo.
Napukaw ang kaniyang pagmumuni-muni at binigyang tingin ang kaniyang kaibigang si Tyson.
"Ang bagal mo kasi 'e." ang tanging nasambit na lamang niya.
Umupo si Tyson sa kabilang swing at tinulak ng paa nito ang lupa upang makagalaw ang duyang nilululanan niya.
"So.. you have problems?" banat na tanong ni Ty.
Sa kabila ba naman ng ilang taon nilang pagkakaibigan. Alam na ni Tyson kapag may problema ang kaniyang kaibigang si Zero. Kilala na niya ito.
"Wala akong problema. I'm just here to have some rest.." pagsisinungaling ni Zero.
Sino nga ba ang maniniwala? S'yempre hindi si Tyson. Alam niyang may problema ito, gayunman, hindi niya pipilitin ang sariling malaman ang dinadala ng kaibigan. Hihintayin na lamang niya ang pagkakataong ito na mismo ang magsabi sa kaniya. Baka hindi lang handa ang kaibigan niya.
"Inom tayo sa bahay. Wala ang parents ko. Kaalis lamang nila, bukas pa ang balik." pag-aaya ni Tyson. Hindi na naman masama 'yon, 'di ba? Malapit na naman sila sa wastong gulang 'di ba? Paminsan-minsa'y subukin naman nila ang pakiramdam ng malalasing. Isa pa, ginagawa ito ni Tyson para sa kaniyang kaibigang si Zero. Pag-iinom lang kasi ang naisip niyang solusyon upang malibang ang kaibigan sa mga pino-problema nito.
Ilang minutong tumitig si Zero kay Tyson.
"If you don't want.. then don't, bawal din naman sa'ten 'yun 'e." pakamot-kamot pa si Tyson sa kaniyang ulo na animo'y nahihiya.
"Let's go. Let's drink. Doon na rin ako tutulog sa bahay niyo." sambit ni Zero na parang wala lamang sa kaniya ang lahat-lahat ng mga posibleng mangyare.
"Let's go, then."
Matapos maka-tayo ni Zero. Agad niyang dinukot ang telepono sa loob ng bulsa ng kaniyang suot na pang-ibaba. Pinower off niya ang kaniyang cp upang hindi makatawag ang kaniyang ama. Bago 'yon, nag-text muna siya sa kaniyang ama na hindi siya makaka-uwi't sa bahay na lamang ng kaibigang si Tyson siya matutulog.
Sakay ng taxi, nakarating si Zero sa bahay ng kaniyang kaibigang si Tyson. Maganda ang bahay. Labas pa lamang ay enggrande na.
Ito ang unang beses na nakatapak si Zero sa bahay ng kaniyang kaibigan. Ang tagal-tagal na nilang magkaibigan ngunit hanggang ngayo'y hindi parin siya nakakapunta sa bahay nito, ngayon pa lamang. Samantalang ito ilang beses ng nakapunta sa bahay niya.
"Ang ganda naman pala ng bahay niyo." puna ni Zero.
"Thank you, hard working kasi si Mommy and Daddy 'e. So.. 'yan ang resulta."nakangiting sambit ng kaibigan.
"Wow.. nice." ang nasambit na lamang ni Zero. "Just like my, Mom. A hard working one's.
Pumasok sila sa loob. Nagkalat ang mga katulong na nagsisipag-gawaan ng kanilang mga trabaho sa loob ng mansyon. Ang iba'y binabati si Tyson ng magandang hapon sa tuwing makakasalubong nila ang mg ito.
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
عاطفيةLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.