KABANATA 6

4.3K 82 4
                                    

Kabanata 6

        ANOTHER THREE YEARS added to Zero's age. He's now fourteen years of age. Ang akala niyang buhay na mayroon siya ay ang buhay na pinaka-masayang buhay sa lahat. But he was wrong, ang akala niyang buhay na mayroon siya ay perpekto na sa lahat, pero nagkamali na naman siya.

Nagsimula 'yon ng mga araw na nagkaroon ng awarding sa school na pinapasukan niya. Awarding ng may mga mataas na ranggo sa larangan ng mga matalinong pag-aaral. Isa si Zero sa mga estudyanteng mapaparangalan. Hindi lang siya isa, bagkus siya rin ang nasa itaas.

He's now a second year highschool student, sa isang pribadong paaralan.

Sinalubong niya ang kaniyang ama at ina ng makita niya ang mga itong papasok sa classroom nila. Niyakap niya ang dalawa. Ginulo naman ng kaniyang ama ang buhok niya, samantalang ang kaniyang ina naman ay hinalikan siya sa mga pisngi.

Magka-iba ang bangko ng mga magulang at ng mga estudyante. Kaya doon din ay nagkahiwalay na sila ng kaniyang mga magulang.

Umupo siya sa bangko katabi ang iba niyang mga kaklase.

"Zero, papa at mama mo?" tanong ng kaniyang kaklase na katabi niya.

"Oo nga, mga magulang mo?" dugsong pang tanong ng isa habang kunot noo na animo'y hindi makapaniwalang mga magulang niya ang mga kasama niyang dumalo para sa espesyal na araw na ito. Ngayon lang kasi nakita ng kaniyang mga kaklase ang mga magulang niya, kaya marahil nagtanong ang mga 'yon.

Usually kasi, kapag sinusundo siya ng ama niyang si Zach, palaging sa labas ng gate na lang siya sinusundo. Hindi noong elementary siya na talagang sinusundo pa siya sa classroom niya tuwing uwian.

"Oo mga magulang ko." nakangiti niyang sagot.

"Sigurado ka?" tanong pa nito na animo'y hindi na-satisfied sa sagot niya.

Tumango naman siya. "Bakit?"

"Hindi kasi kayo magkamukha. Hindi mo ba 'yun napapansin? Magkaiba lang kasi ang kulay ng balat mo at balat ng mama at papa mo. Nasobrahan ka sa puti, while your mom ay hindi naman gaano. Ang daddy mo naman ay moreno. Saan mo ba nakuha 'yang puti mo?"

"Tsaka ang layo-layo talaga ng mukha mo sa mommy at daddy mo, sigurado kabang sila ang mga magulang mo?" pabirong dugsong pa ng isa.

Ganun pa man, hindi biro ang naging dating niyon kay Zero. Nagsimula siyang mapa-isip. Bakit nga? Dahil kung talagang ididikit siya sa kaniyang mga magulang ay hindi talaga sila magkamukha. Ni kahit isang hawig man lang niya sa mga magulang ay wala talaga.

Hanggang matapos ang awarding ay 'yon parin ang gumugulo sa kaniyang isipan.

Marami siyang mga natanggap na award ngunit hindi siya nakaramdam ng saya. Hangga't narito pa, bumabagabag sa kaniyang loob ang mga gusto niyang tuklasin, napipigilan niyon ang kaniyang sariling mag-diwang.

Pagkalabas nila ng classroom at pagkauwi nila ng bahay ay talagang masayang-masaya ang mga magulang niya. Samantalang siya ay hindi mapakali.

"Mom, Dad, magbibihis lang po ako." nakangiting tugon niya sa mga magulang kahit pa nga gulong-gulo talaga ang kaniyang isipan.

Matapos matanggap ang pagpapahintulot ng kaniyang mga magulang ay daglian siyang pumasok sa loob ng silid niya.

Dahil nga okupado ang kaniyang isip, hindi na siya nakapag-bihis. Na-upo na lang siya sa gilid ng kama niya. Ayaw niyang maniwala sa mga haka-haka ng kaniyang mga kaibigan, pero may posibilidad parin naman na dapat siyang maniwala. Lalo't minsan na niyang marinig ang usapan ng kaniyang Ina at ang kaibigan nito, na pinag-uusapan ang pagbubuntis.

Love Me Harder DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon