Kabanata 18
NAPAGTANTO NI ZACH na ang tinuran ni manang Letty ay tama. I really need to move forward, like, my son, did.
Matapos makapag-ligo at makapag-palit ay lumabas na si Zach. Diretso siya sa dining room.
"Manang si Zero ho?" tanong niya sa katulong na si manang Letty ng makitang wala sa hapagkainan ang kaniyang anak.
"Hindi pa ho bumababa, sir. Kanina pa ho siya nasa k'warto niya." sambit naman ng katulong na nagsasa-ayos ng mga pagkain sa lamesa.
Balak sana ni Zach na siya na ang mag-tawag sa anak, ngunit hindi na niya ginawa. Sa isiping baka ma-itrato na naman niya ang anak na bata, kung saan sa tuwing hindi ito kumakain ay gumagawa siya ng paraan para lang pakainin ito. Kinululit niya ang kaniyang anak at nilalambing hanggang sa mapapayag na niya ito.
"Manang, pakitawag na lang ho. Sabihin mo ho kakain na." utos niya sa katulong na natapos na sa ginagawa nito.
"Opo, sir. Sige po." umalis ang katulong habang si Zach naman ay naghihintay lang upang makasabay ang kaniyang anak sa pagkain.
Maya-maya dumating si manang Letty na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Sir.. hindi ho binubuksan ni Zero 'yung pinto. Kanina pa ho ako kumakatok." sambit ng ginang.
Pinanlukuban ng kaba si Zach ngunit nabawasan iyon ng isiping baka tulog lang ang anak. Ngunit para masiguro, ay kailangan parin niya itong masilip.
Tumayo na siya at nagsimulang lumakad patungo sa k'warto ng anak. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit pabukas ngunit naka-locked 'yon.
"Zero! Zero! Kakain na buksan mo 'tong pinto." pinilit niyang 'wag mag-alala kahit 'yon naman ang nararamdaman niya.
Lumipas ang ilang minuto ngunit walang Zero na nagbukas ng pinto. Walang Zero na umimik sa loob.
Doon na pinanlukuban ng labis na kaba si Zach na baka kung ano na ang nangyare sa anak. Dahil alam niyang kahit tulog ito ay madali itong magising, lalo't malalakas ang katok at kaniyang pagsigaw. Hindi maaring hindi magising ang anak.
"Manang Letty, kunin niyo ho 'yung susi, dali!" nagpapanic na utos niya sa katulong.
Mabilis namang tumalima si manang Letty, sinunod ang utos ng kaniyang amo.
"Zero! Zero! Are you okay? Zero!" makailang ulit na pagtawag at pagkatok pa ang ginawa ni Zach upang marinig siya ng anak ngunit tila hindi siya nito naririnig. Wala paring nagbukas ng pinto, kaya mas lalo siyang napa-frustrate.
"Sir, 'yung susi ho."
Inagaw ni Zach sa katulong 'yung susi at agad iyong ipinasok at doon bumukas ang pinto. Malawak niyang binuksan at agad pinasok ang kaniyang sarili sa loob. Dinalunan niya ang anak na nakitang mahimbing na natutulog. Hindi rin nakatakas kay Zach ang panginginig ng katawan ng anak.
As a Doctor, dapat kampante lang, pero ngayon mabilis nagpanic ang pagkatao ni Zach. Sinapo niya ang anak at doon niya napagtantong mataas ang lagnat nito. Basa din ang buhok ng anak dahil sa ulan kanina.
Bilang isang nag-aalalang ama at bilang isang Doctor. Ginawa ni Zach ang nararapat niyang gawin. Pinunas-punasan niya ang basang buhok nito. Binigyan niya rin ang anak ng makapal na kumot upang mabawasan ang ginaw nito. Hininaan na rin niya ang aircon sa k'warto.
Nang masiguro ni Zach na maayos na ang lagay ng anak ay agad siyang lumabas sa k'warto. Pinabantayan muna niya kay Manang Letty ang anak.
Nag-tungo siya sa kusina at mabilis na nagluto ng mainit na pagkaing may sabaw upang ipakain sa anak bago ito uminom ng gamot.
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
RomanceLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.