KABANATA 16

3.4K 59 4
                                    

Kabanata 16

         ZACH TRIED HIS BEST to get near his son's Zero once again, like they used to. Sinubukan niyang muli hulihin ang loob nito. Gusto niyang bumalik ang anak na si Zero sa dati nitong pakikitungo sa kaniya. 'Yung lambing at pagmamahal na hinahanap niya dito bilang isang ama nito. Gusto niyang muling maranasan 'yung mga araw na 'yon.

Ngunit tila suntok sa buwan ang mga hiling ni Zach. Alam niyang nagbibinata na ang anak niya.. meaning, hindi na ito 'yung dating bata na naglalambing at nilalambing niya. Ika nga, lahat nagbabago.

Marahil iniisip ni Zach na talagang hindi na angkop sa edad ng anak na si Zero para sa ganoong mga lambingan. Para sa mag-amang lambingan tulad ng nakasanayan nilang gawin.

Siguro kailangan na rin niyang mag-move forward tulad ng ginagawa ng anak niya. Siguro panahon na para itrato ang anak bilang isang binata, hindi bilang isang bata na nakasanayan niyang lambingin.

Likas na sa isip ni Zero na palagi wala ang kaniyang inang si Pia. Sa pagkakaalam niya noon ay masaya siyang wala ang kaniyang ina dahil doon lang niya nasosolo ang kaniyang ama, ngunit ngayon gustong-gusto na niyang muli itong makasama.

Sa mga panahong 'yon, gusto na ni Zero na mamalagi ang kaniyang ina sa bahay nila araw-araw. Ngayon gustong-gusto niyang mayakap ang ina pampalubag loob lang sa kaniyang mga dinaramdam.

Hawak-hawak ni Zero ang kaniyang cell phone na kanina pa niya pinakatititigan habang iniisip kung aabalahin ba niya ang ina sa trabaho nito o 'wag na lang? Hindi pa kasi umuuwi ang kaniyang ina, busy raw ito sa trabaho nito. Kaya ilang oras na siguro siyang naka-upo sa kama hawak-hawak ang cell phone at pinagiisipan kung tatawagan ang ina.

Sa huli ay hindi na rin niya ginawa. Ayaw niyang maabala ito. Baka may importante itong ginagawa.

Inilapag ni Zero ang cell phone sa bedside table at magsisimula na sana siyang matulog dahil nga malalim na ang gabi ngunit nabulabog siya ng ilang malalakas na katok galing sa labas ng kaniyang pinto.

"Zero, my son. Are you still awake?" anang baritonong boses na nagmumula sa bibig ng amang si Zach na mukhang alam na ni Zero kung ano ang pinunta nito.

Wala ang ina ni Zero, kaya alam niyang kapag wala ito ay hindi rin makakatulog ang amang si Zach. Nakasanayan nitong matulog ng may katabi kaya alam niyang nagpunta ang ama upang pakiusapan siyang tabihan ito.

Sa kabila noon, hindi umimik si Zero. Nanatili siyang walang tahimik pinakikiramdaman ang ama.

"I can't sleep, my son. Can you sleep with me—" napabuntong hininga si Zach. "Goodnight, son." ang tanging na sambit na lang niya sa isiping tulog na ang anak o 'di kaya naman ay ayaw na siya nitong makatabi.

Sa loob ng k'warto. Narinig ni Zero na tumahimik na sa labas ng kaniyang k'warto. Patunay lang na umalis na ang mahal niyang ama.

Sa pag-alis nito hindi mapigilan ni Zero ang makaramdam ng lungkot. Biglang bumigat 'yung pakiramdam niya, parang napupunit ang puso niya.

Alam ng nasa Itaas kung gaano kagusto ni Zero pahintulutan ang gusto ng ama. Alan niya kung gaano niya gustong makatabi ito sa pagtulog tulad ng nakasanayan nilang gawin. Ngunit natatakot na si Zero. Takot na takot na siya. Takot siyang maramdaman 'yung mga kakaibang pakiramdam. Takot naisiping kapag nilapit niya ang sarili sa ama, parang pinahihintulutan na rin niya ang sariling mahalin ito.

Ayaw niyang malunod ang puso niya sa pagmamahal sa ama. Maling-mali. Isang labis na pagkakamali, kaya kahit masaktan siya, ay dapat tiisin kung iyon ang magiging dahilan ng paglimot niya sa ama. O kahit pagkawala lang ng nararamdaman niya para dito. Upang muli siyang bumalik sa nakasanayan nilang gawin. Walang bahid ng malisya.

Love Me Harder DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon