SINUBUKAN kong bumangon sa stretcher na kinahihigaan ko. Pakiramdam ko, buong katawan ko ay nanghihina. Sino ba naman ang hindi, ilang beses na nga ba akong muntik mabaril sa loob ng isang gabi?
"H'wag ka munang bumangon Sydney, the medic needs to check up on you," agent Dawson reminded me. Inalalayan niya rin akong makahiga ulit.
"Sila Kye and Faith po?" nasapo ko ang masakit kong balikat.
Naririnig ko ang malakas na tunog ng police car at sinasabayan din ito ng tunog ng ambulance. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa labas at ang tanging gusto ko lang, ay ang malamang ligtas ang dalawa kong kaibigan.
"Calm down Sydney, safe sila and after the medic will check up on you, iuuwi ko na kayo," mahinahong sabi ni agent Dawson.
Napabuntong-hininga ako at tila ba gumaan na ang pakiramdam ko. That's the only thing I need to know, my friends are safe and we made it!
Matapos akong tingnan ng emergency response team ay hinayaan na nila akong lumabas ng ambulance. Isinuot ko ang mask na ibinigay sa'kin ni agent Dawson. Sinalubong ako nila Faith at Kye. Bakas sa mga mukha nito ang saya.
Humangos ako palapit sa kanila at sabay silang niyakap. Tanging iyak ni Faith ang naririnig ko at ang mabilis na paghinga ni Kye. Pakiramdam ko, I'm in my safe zone already.
"W- We made it guys," tila utal kong sabi dahil napa-iyak na rin ako.
Ramdam ko ang marahang paghaplos ni Kye sa balikat ko. Sino bang mag-aakala na magagawa pa naming makaligtas sa gabing 'to. Truth sucks, but at least now we're able to expose the real people behind all the killing incidents in our university.
"Sorry to disrupt your moment guys, but for your safety we need to leave," I heard agent Dawson's voice.
Inihatid kami ni agent Dawson sa ancestral house namin. He decided na dito na rin muna magpalipas ng gabi sina Kye at Faith para mapag-aralan namin ang isasagot sa press at sa mga investigators kung sakaling kunan kami ng statement kinabukasan. Siya na rin ang nagpaliwanag sa nangyari kina Yaya Conchita, Mang Samuel, at Lolo Thomas. Wala nang nagawa ang tatlo kung hindi ang pagsabihan na lang kami.
Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod na mangyayari, ang mahalaga I'm still alive, breathing and still fighting. Tapos na ang problema ko sa university namin, kaya ang next target ko naman ay ang malaman kung sino ang gustong pumatay sa'kin. Alam kong kaya ko na siyang harapin, matapos ba naman ang lahat na nangyari sa'kin, lalo na ngayong gabi.
Pagod, ito lang ang tanging nararamdaman ko sa ngayon. Tila namanhid na rin kasi sa sakit ang buong katawan ko.
"Sydney— gising na naghinintay na sila sa baba," rinig ko ang boses ni Yaya. Marahan akong bumangon dahil medyo ramdam ko na ngayon ang pananakit ng katawan ko. Kagabi, dahil sa sobrang pagod agad naman akong nakatulog nang hindi ko na namamalayan.
"Susunod po ako Yaya," kinusot ko pa ang mga mata ko at napabuntong hininga. Sa bigat ng nangyari kagabi, heto ako ngayon may hininga pa.
Inayos ko lang ang sarili ko at hinanap kung nasaan ang mga kasama ko sa bahay. Naabutan ko sina Kye at Faith na pinaghahain ng agahan ni Yaya. Napangiti ako, sinong hindi e kagabi lang akala ko pare-pareho na kaming mamatay.
"Sydney tara na mag-agahan ka na rin," bati ni Faith na tila masaya sa kinakain nito.
Tumango ako at naupo na rin sa tabi niya. Tinitigan ko si Kye na parang may iba sa kinikilos nito.
"How's your sleep guys?" tumikhim pa ako.
"Maayos naman Sydney, ikaw how's your shoulder?" tanong ni Kye.
![](https://img.wattpad.com/cover/226070577-288-k177222.jpg)
BINABASA MO ANG
Hues and Lies
Mystery / Thriller{COMPLETED} "I got betrayed while my heart was so pure, and I'll never forget that." 🎨 Sydney believes that trust can be given to anyone kind to her. As a rich and popular girl, she has everything she wants. Her life is a dream of many. Until one d...